Tiniyak ngayong Martes ng Senior Vice-Chairperson ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na si Rep. Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City), na ang 2023 General Appropriations Bill ay maaprubahan ayon sa itinakdang petsa sa ika-1 ng Oktubre 2022.
Ipinangako niya ito sa ginanap na pulong balitaan ng "Ugnayan sa Batasan" Majority News Forum, kasama si House Committee on Dangerous Drugs Chairperson Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte), at Committee on Agriculture and Food Chairperson Wilfrido Mark Enverga (1st District, Quezon).
Ayon pa kay Quimbo, binanggit ni Appropriations Committee Chairperson Elizaldy Co (Partylist, AKO BICOL) na ang mga mambabatas ay ganap na nakatutok sa kanilang mandatong konstitusyonal na repasuhin ang panukalang badyet, at magtaya kung anong mga amyenda ang kinakailangan upang matiyak na ang paggasta ng pamahalaan ay sumusuporta sa eight-point economic agenda ng Pangulo.
"It is our goal to enact the 2023 GAA as scheduled to fund our economic recovery programs and projects, as well as to be vigilant in monitoring their implementation," ani Quimbo.
Nilinaw rin niya na ang nakasaad na tinatayang utang sa 2023 National Expenditure Program (NEP) na P2.2-trilyon ay nasa karaniwang saklaw.
"Actually, it's only 11 percent of the P5.268-trillion that will go to debt service payments.
Ang principal payments po ay hindi nangangailangan ng appropriations," paglilinaw ni Quimbo.
Malugod ring tinanggap ni Enverga, ang 39 porsyentong pagtaas sa panukalang badyet para sa sektor ng agrikultura. "In general, masayang masaya po tayo.
Tumototoo po ang ating Pangulo, si Bongbong Marcos, kung saan number one po sa agenda niya is food security which I definitely am sure would be very much inclusive," ani Enverga.
Gayundin, sa ginanap na forum, ipinaliwang ni Barbers na kanyang muling inihain ang House Bill 1543, na magbabalik sa parusang kamatayan bilang pinakamabigat na parusa, dahil naniniwala siya na ito ay magsisilbing hadlang sa pagkakamit ng mga karumal-dumal na krimen.
No comments:
Post a Comment