Tuesday, August 23, 2022

PANUKALANG PASSIVE INCOME AND FINANCIAL INTERMEDIARY TAXATION ACT, PASADO SA SA KOMITE SA KAMARA

Inaprubahan ng house committee on ways and means ang panukalang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act.


Kasama rin sa inaprubahan ang mga proposed ammendments   sa panukalang batas ng department of finance.


Ang house bill ay dagdag sa RA 10963 o ang “tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN act” o Package 4 na gawing simple, patas, mas episyente  at competitive ang  passive income  at financial intermediary.


Layon ng panukala  na  gawing neutral ang tax treatment ng lahat ng financial institutions at financial instruments at paghusayin ang  equity ng mga investors at mga depositors sa bansa.


sa pagtaya ng department of finance aabot sa 18 billion pesos ang incremental revenues sa taong 2023  habang 7.9 billion pesos naman sa taong 2024.


Sa ilalim ng panukala.. babawasan ang tax rates  ng income regular saving at short term deposit mula 20 percent to 15 percent.


Nasa 15 percent naman ang tax rates on interest income ng foreign  currency deposit and long term deposit habang ang dividend income ay naka fixed sa 15 percent for inter-corporate bonds.

No comments:

Post a Comment