Sunday, August 21, 2022

MGA SANGAY NG SPECIALTY HOSPITAL KAGAYA NG HEART AT LUNG CENTERS AT IBA PA, ITATATAG SA NORTHERN LUZON

Inihain ni House Senior Deputy Majority Leader at 1st District Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos ang isang panukala na naglalayong itatag sa Hilagang Luzon ang mga sangay ng mga espesyalistang ospital sa bansa, tulad ng  Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Orthopedic Center, at Philippine Cancer Center.


“Health facilities and services, in order to be beneficial to the people, must be adequate, affordable and ‘accessible.’ The problem with our health system is that the major specialty hospitals… are all located in the Metropolitan Manila area, specifically in Quezon City,” ito ang nakasaad sa paliwanag ni Marcos sa kanyang House Bill (HB) No. 3752 na kanyang inihain noong ika-17 ng Agosto.


“Most Filipino patients residing outside the capital region, afflicted as they are with their ailments or injuries, are additionally burdened with the additional cost of transportation and accommodation. This sometimes-insurmountable issue of distance tends to deny said patients with quality healthcare which in effect renders illusory the constitutional guarantee of ‘right to health’ of our people,” dagdag ng mambabatas.


Ang panukalang Satellite Specialty Hospitals for Northern Luzon Act, na may paunang pondo na P5-bilyon, ay ilalaan sa mga sangay ng anim na nabanggit na espesyalistang ospital at iba pang specialty hospitals, at ito ay itatayo sa gitna ng isang compound, sa pagitan ng mga bayan ng Badoc, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur, sa ilalaim ng pamamahala ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH).


Sa ilalim ng panukala, ang mga satellite specialty hospitals sa Hilagang Luzon ay pangangasiwaan ng Board of Trustees ng kani-kanilang mother units at magkakaroon ng inisyal na 500 kamang kapasidad bawa’t isa. 


Ang mga sangay na ospital ay pamumunuan ng isang Medical Director na hihirangin ng Pangulo ng Pilipinas, batay sa rekomendasyon ng Board.


Ang lahat na umiiral na libreng buwis at pribilehiyo na iginagawad sa Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center at ng Philippine Cancer Center ay sasaklaw rin sa kanilang mga sangay sa Hilagang Luzon. Ang panukalang pondo para sa naturang proyekto sa 2023 ay P5-bilyon.


Layon ng panukala na isulong ang mga serbisyong medikal na paggagamot sa puso, bato, atay, baga, buto at kanser sa publiko; upang maiwasan, malunasan, at magamot ang mga sakit sa puso, bato, atay, baga, buto at kanser ng mga tao, lalo na ang mga mahihirap, na walang pinipiling lahi, relihiyon, kulay at paniniwalang politikal.


Hinihikayat rin sa panukala ang pagsasanay para sa mga manggagamot, mga nars, medical technicians, mga opisyal sa kalusugan at mga social workers, kabilang na ang mga syentipikong pananaliksik sa mga nasabing kadalubhasaan.

No comments:

Post a Comment