Pinawi ni Marikina Rep. Stella Quimbo, Vice Chair ng cttee on appropriations ang pangamba ng ilan kaugnay sa pagbaba ng proposed 2023 budget para sa UP-PGH.
Ayon kay Quimbo, ang P5.9 billion funding para sa PGH hospital services program sa susunod na taon ay anim na porsyentong mas mababa kumpara sa 2022 general appropriations act. Ngunit mas mataas pa rin ito ng 4.7% sa 2022 NEP.
Dagdag pa ng kinatawan na kung ibabatay sa mga nakaraang pambansang pondo maraming kongresista at senador ang sumusuporta sa pagdaragdag ng budget para sa UP-PGH
Paalala pa ng Marikina solon na kung mababa man ngayon ang proposed budget ng PGH sa NEP ay magagawan pa ito ng paraan dahil sasalan pa ito sa budget hearings at deliberations.
Aminado si Quimbo na mahalaga ang PGH hindi lamang dahil sa dekalidad nitong health service ngunit bilang isang premyadong teaching hospital din.
“So ang pgh ay isa sa recipients ng mga amendments na nangyayari, that happens almost every year. Kaya kung mababa ang NEP, wag muna tayong maging sobrang concerned kasi magagawan pa natin yan ng paraan. and again that’s precisely the purpose of budget briefings and plenary debates so doon lalabas ano ba ang mga programa ng pgh na tila hind inakasama dun sa proposed nep for 2023. And if of course members of the house as well as the senators would find it meritorious, to amend their proposed budget ay gagawin natin yan.” Ani Quimbo.
No comments:
Post a Comment