Nagsagawa ng organizational meeting ngayong Huwebes ang Komite ng Social Services ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Rosanna “Ria” Vergara (3rd District, Nueva Ecija) at inaprubahan ang Rules of Procedures nito.
Alinsunod sa House Rules, ang Komite ng Social Services ay may hurisdiksyon sa lahat ng mga bagay na direkta at pangunahing nauugnay sa panlipunang pag-unlad, at mga serbisyong panlipunan, pati na rin ang mga interbensyon na nagpapaunlad at nagpapataas ng kalidad ng buhay ng indibidwal at komunidad.
Sa kanyang pambungad na mensahe, nagpasalamat si Vergara kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon "to help shape the future of one of the most vulnerable sectors of our society."
Nagpasalamat din siya sa mga vice chairperson at miyembro ng importanteng Komite.
“Your voices are much needed in our ongoing dialogues and consultations with the affected sectors and constituencies, and your advices and inputs in all our policies will always be considered and deeply appreciated,” aniya.
Ayon kay Vergara, adhikain ng Komite na maibsan ang kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino, at pagbutihin ang kalidad ng buhay ng indibidwal at komunidad.
“We must craft responsive, proactive, and most importantly, long lasting solutions that that would help realize President Bongbong Marcos’s vision of ending the vicious cycle of poverty in our country,” ani Vergara.
Batay sa paunang resulta ng Family Income and Expenditure Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021, sinabi ni Vergara na ang poverty incidence ay itinuring na nasa 18.1 percent, na nangangahulugang nasa 20 milyong Pilipino na ngayon ay nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold.
No comments:
Post a Comment