Tinutulungan na ng dept of transportation ang mga driver na hindi pa umano nababayaran sa ilalim ng service contracting program.
Ayon kay transportation usec. Steve pastor, isinangguni na nila sa angkop na labor agencies ang mga driver ng EDSA bus way na hindi pa nakatatanggap ng bayad.
Paliwanag ni Pastor nakipag-kontrata sila sa mga operator ng bus na siyang magpapasweldo sa kanilang mga driver at konduktor.
Ilan sa mga driver ng ES Consorium at Mega Manila Consortium na nag ooperate sa EDSA Bus carousel ang nagrereklamo na 23% lamang imbes na 30% share ng sahod ang kanilang nakukuha salig na rin sa LTFRB Memorandum Circular 2021-029.
Pagtitiyak naman ni Pastor na nabayaran na ng naturang mga operator ang kanilang mga driver.
“Hence we are assisting po the drivers na, that are coming to LTFRB and reporting the said non-payment of wages. We are assisting them to settle the matter through the proper labor agencies. There are a few po dito sa ating EDSA bus way and I understand po Mr. Chair that the bus operator has already settled with their drivers po.” Ani Pastor.
No comments:
Post a Comment