Personal na umapela si Quezon City 1st district Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde sa Commission on Higher Education (CHED) na tulungan makalipat ang mga estudyante ng nagsarang Colegio de San Lorenzo.
Sa pakikipag-usap ng mambabatas kay CHED Chair Prospero “Popoy” de Vera hiniling nito na matulungan ng ahensya na mapabilis ang paghahanap ng malilipatang eskuwelahan at ang proseso ngpaglilipat ng apektadong mga estudyante.
Kabilang sa tulong na hiling ng neophyte solon ang pag proseso mga dokumento para sa transfer; pagpapaliban sa pagbabayad ng tuition fee sa bagong eskuwelahan hanggat hindi nakukuha ang refund mula sa Colegio de San Lorenzo at ma-credit ang grades ng mga mag-aaral na may academic honors.
"Sa tingin ko kailangan talaga ng tulong para ma facilitate ang paglilipat; there may be delays in the processing of the students' transfer requirements given how many of them need these documents. We will make every effort to request the schools accepting these students to hopefully consider crediting them for the grades they earned while in Colegio de San Lorenzo; hindi naman kasalanan ng bata na nagsara ang eskwelahan," ani Atayde.
Kasabay nito, inaaral din ni Atayde ng posibleng pagpapataw ng sanction o parusa sa naturang paaralan dahil sa niya’y “traumatizing inconvenience” ng biglaan nitong pagsasasra.
Punto ng kinatawan, bagamat naiintindihan ang hirap ng epekto ng pandemiya, dapat ay nakapaglatag aniya sila ng contingency plan upang hindi nadamay ang kanilang mga estudyante.
No comments:
Post a Comment