P15.2 billion pesos ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa bagong tatag na department of migrant workers sa susunod na taon.
Ayon kay DBM USec. Tina Rose Marie Canda, ang halagang ito ay sakop na ang budget ng DMW, OWWA at POEA.
P3.3 billion ang inilaan para sa agency proper o office of the secretary habang P11.7 billion naman para sa OWWA.
Nakapaloob din sa budget ng DMW ang P10 billion emergency repatriation program para sa pagpapa-abot ng transportation assistance, temporary accommodation at psychosocial counseling ng may 367,287 beneficiaries.
Kasabay nito ay tiniyak naman ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo na ipagpapatuloy ng Kamara ang pagsuporta sa proteksyon at karapatan ng mga OFW.
Tinukoy pa nito na maituturing na malaking achievement ng 18th Congress ang pagsasabatas ng pagbuo ng isang ahensya na nakatutok lamang sa ating mga migrant workers.
Inilahad naman ni DMW Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones na kabilang sa mga panguanhing programa ng bagong ahensya ang pagpapatupad ng digitalization program at ease of doing business para sa land-based and sea-based sectors, scholarship para sa mga anak ng OFW, pagpapaigting ng laban kontra illegal recruitment at trafficking gayundin ang pagpapalakas sa OFW hospital.
Sa kasalukuyan kasi aniya isa lamang infirmary ang OFW hospital at kanilang itinutulak na mapalaki ito bilang isang 100-bed capacity hospital.
##
No comments:
Post a Comment