Pormal nang isinumiteng Ehekutibo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang National Expenditure Program o NEP para sa Fiscal Year 2023.
Aabot sa P5.268 Trillion ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon, na kauna-unahang national budget sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa ceremonial turnover, pinangunahan ni Department of Budget and Management o DBM Sec. Amenah Pangandaman ang submission ng 2023 NEP sa tanggapan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Batasan Complex.
Kabilang sa mga tumanggap ng kopya ng 2023 NEP ay sina Speaker Romualdez, House Majority Leader Mannix Dalipe, House Appropriations Committee Chairperson Zaldy Co at iba pa.
Ayon sa DBM, kumpara sa P5.024 trillion na 2022 National Budget --- ang P5.268 trillion na 2023 National Budget ay 4.9% na mas mataas at katumbas ng 22.1% ng GDP. Ito na rin ang itinuturing na pinaka-mataas na panukalang pambansang pondo sa kasaysayan ng bansa.
Inaasahang sisimulan ang budget hearings sa Aug. 26, 2022. Pero nauna nang nagdaos ng pre-budget briefings ang Appropriations Panel kung saan dumalo ang mga opisyal ng iba’t ibang departamento.
No comments:
Post a Comment