Thursday, August 21, 2025

🎙️ SPEIL PARA SA “KATROPA SA KAMARA”

🎙️ SPEIL PARA SA “KATROPA SA KAMARA”

Ano nga ba ang kasalukuyang mga kaganapan sa loob ng Kongreso ng Pilipinas—lalo na sa Kamara de Representantes? Alin sa mga panukalang batas ang dapat nating bantayan? At anong mga batas na ang naipasa na may direktang epekto sa ating pang-araw-araw na buhay?


Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon, mahalaga ang tamang impormasyon. Dito po sa “Katropa sa Kamara”, inyong makakasama itong aba ninyong lingkod, Terence Mordeno Grana, isang batikang tagamasid, tagapagsuri at eksperto sa larangan ng lehislasyon, upang maghatid ng malinaw, makabuluhan, at napapanahong talakayan tungkol sa mga usaping pang-Kongreso lalu na sa Kamara de Representantes at usaping pambansa.


📻 Pakinggan kami tuwing Sabado, alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga, sa DWDD Armed Forces Radio, 1134 kHz AM sa Metro Manila.


🖥️ Live din po kaming napapanood sa Facebook pages na:

🔹 Terencius Mordeno Grana

🔹 AFP Radio DWDD


Paminsan-minsan, makakasama rin natin ang ilang mga piling panauhin mula sa lehislatura at iba’t ibang sektor at sasagutin namin ang inyong mga tanong, tatalakayin ang mga isyu, at bubusisiin ang mga batas—lahat ng mga ito ay para sa bayan, para sa Bagong Pilipinas.


Para sa inyong reaksyon, tanong, o mungkahi, maaari po kayong tumawag o mag-text sa:


📱 +63 916 500 8318

📱 +63 917 624 6104

📱 +63 905 457 7102


Huwag kalimutang i-like, follow, at share ang aming mga social media pages upang mas marami pa ang maging Katropa sa Kamara!

🇵🇭📻 Ika-dalawampu’t tatlo ng Agosto

🎙️🇵🇭📻 Ika-dalawampu’t tatlo na ng Agosto, Taong 2025 — Katropa sa Kamara Script:


Isang mapagpala at masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At Buenos días, Mindanao! Muli, samahan nyo po kami sa dalawang oras nating makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!


Pause


Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman po kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara, kasama si Terence Mordeno Grana.


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo


Pause


Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang ating pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.


Pause


Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating bagong Commander ng Civil Relations Service, MGen Oliver C. Maquiling.


Pause


Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!


Pause


Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”


Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:

📱 +63 916 500 8318

📱 +63 905 457 7102


Pause


Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!


Pause


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo

Anunsyo: Focus natin ngayong episode—tiwala, pananagutan, at pamumuno sa panahon ng pagsusulit sa gobyerno




Pause


@@@@@@@@@@@@@


Pause


Break


Okey, i-tuloy pa po natin ang ating mga pagbabalita komentaryo at naririto na pa po ang ating mga balita na ating nakalap…


Break


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa palatuntunang Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—(Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. ) Maraming salamat sa inyong suporta!”


@@@@@@@@@@@@@


Pause 


Break


Okey, tuloy-tuloy na po tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…


NEWS ITEMS … next page


Pause


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”


Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”


 @@@@@@@@@@@@@


Sa segment na ito, ibibigay ko muna sa inyo ang mga naganap nitong nakaraang mga araw sa ating bulwagan, sa ating plenary hall ng ating Kamara:


Pause 


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Recap Segment:


“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”



@@@@@@@@@@@@@@


Closing Segment:


Dalawang oras na naman po ang lumipas, at muli na naman tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!


Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!


Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.


At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)

 Rep Abante umalma sa paratang ni Mayor Magalong na ‘moro-moro’ gagawing imbestigasyon ng Kamara


Mariing binatikos ng isang lider ng Kamara de Representantes si Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong matapos nitong tawagin na “moro-moro” ang imbestigasyon ng Kongreso kaugnay ng mga anti-flood projects.


Iginiit ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, chair ng House Committee on Human Rights, na anumang akusasyong inilalantad sa publiko ay dapat nakabatay sa malinaw na ebidensya at ipahayag nang may angkop na pag-iingat, lalo’t mabigat ang usaping tinatalakay.


Sinabi ni Abante na mahalaga na makita ang mga ebidensya at gawain ang mga testimonya ‘under oath’ upang malaman kung mayroong basehan ang mga paratang.


“So ang sinasabi ba ni Mayor Magalong na kung moro-moro ang aming imbestigasyon dito sa Kamara, magkakasabwat kami? Konting ingat sana sa mga akusyasyon. Madali magbitaw ng mga salita, pero mahirap ito patunayan,” ani Abante.


“Kung talagang naniniwala siya na may guilty sa ilan sa amin dito, huwag sana niyang lahatin. His statements are an insult to the institution that we work hard to preserve and promote. Sana bawiin na ni Mayor ang kanyang mga sinabi,” dagdag pa ng kinatawan ng Maynila.


Batay sa video clip na kumalat sa social media, nagpahayag si Magalong ng pagdududa sa gagawing imbestigasyon ng Kongreso. Sa ilang pagkakataon, ginamit pa umano niya ang salitang “moro-moro,” na sa karaniwang nangangahulugan na isang palabas o huwad na proseso. 


“If he believes some are guilty, name names, submit documents and testify under oath. That is how we clean up the system,” wika ni Abante.


Binigyang-diin din ng kongresista na ang mga pangkalahatang paratang ay nakakasira sa tiwala ng publiko sa isang imbestigasyong dumadaan naman sa pormal na proseso.


Itinatag na ng Kamara ang isang tri-committee para imbestigahan ang umano’y iregularidad, kung saan inaasahang ipapatawag ang mga testigo at susuriin ang mga dokumento bilang bahagi ng pormal na legislative inquiry. Dagdag pa rito, binigyang-diin na may pagkakataon din si Mayor Magalong na personal na humarap at ilahad ang kanyang nalalaman upang maging bahagi ng opisyal na rekord ng imbestigasyon.


“For me, baka naman nabigla lang si Mayor and he does not really mean na kaming lahat dito sa Kamara ay kasama sa mga akusasyon niya. If this is the case, a public apology is in order. Pwede namang humingi ng paumanhin at nadala siguro siya ng bugso ng damdamin,” wika ni Abante.


“And as Speaker Romualdez said before, lahat kami dito we value transparency and accountability. We will open the door to any witness who brings credible information. Results beat rhetoric every time,” dagdag pa ni Abante. (END)

 Muslim solon nainsulto sa paggamit ni Magalong ng salitang ‘moro-moro’ sa pag-iimbestiga sa flood projects


Nainsulto ang isang kongresista mula sa Mindanao sa pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong na tinawag na “moro-moro” ang imbestigasyon sa mga anti-flood projects.


Ayon kay House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong dapat igalang ang Kamara bilang institusyon na mayroong mandato na mag-imbestiga at mangalap ng ebidensya kaugnay ng mga alegasyon.


Ang pagbibitaw umano ng mga “sweeping labels” o patutsada ay nakasisira sa reputasyon ng lahat ng miyembro ng Kongreso kabilang ang mga gumaganap sa kanilang tungkulin ng buong katapatan.


“As a Muslim, I take offense at the casual use of the term ‘moro-moro’ to describe an investigation. Words carry history. We can debate corruption with vigor, but we should never trivialize the struggles of Moro communities by turning that term into an insult,” ani Adiong.


Nagpahayag ng pagdududa si Magalong sa pagsasagawa ng Kongreso ng imbestigasyon hinggil sa umano’y iregularidad sa flood control projects at isinulong ang isang third-party inquiry.


Inakusahan din ng alkalde ang mga mambabatas na umano’y nakatanggap ng malaking kickbacks mula sa mga kontratista. 


Dahil dito, si Magalong ay inimbitahanng binuong House tri-panel upang mailahad under oath ang kanyang testimonya at mailabas ang kanyang mga ebidensya para mapatunayan ang alegasyon na kanyang inilabas sa media.


Bukod naman sa isyu ng proseso, binigyang-diin ni Adiong na ang paggamit ng katagang “moro-moro” ay may dala-dalang mabigay na nakaraan para sa mga Muslim dahil nag-ugat ito sa isang dula noong panahon ng Kastila na nagtutunggali ang “Christians” at “Moros” — isang uri ng pagtatanghal na nakaugnay sa kolonyal na stereotype at matagal nang diskriminasyon.


Dagdag pa niya na bagama’t ang termino ay karaniwan nang ginagamit para ilarawan ang isang huwad o pekeng palabas, marami pa ring Muslim ang itinuturing itong insensitibo sa pampublikong diskurso.


“Sana huwag naman ganun ang lengguwahe. In fact, sana wag naman ganun ang atake. Nakikiusap tayo kay Mayor Magalong, please lang po, be sensitive in your language,” ani Adiong.


Ipinaliwanag din niya na tumataas ang kumpiyansa ng publiko sa anumang imbestigasyon kung ang mga nag-aakusa ay naglalatag ng dokumento at handang hunarap sa mga pagtatanong, dahil may mekanismo ang Kongreso upang tumanggap ng ebidensya, tumawag ng mga saksi, at makipag-ugnayan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas.


“If you believe some House members are guilty, name them and present the proof. Do not condemn the entire House. Huwag naman po sana nating lahatin. Madami sa amin ang inosente at nagtratrabaho lamang para sa aming constituents,” giit pa ni Adiong.


“When the whole institution is attacked, the innocent are dragged with the guilty, and the public loses sight of the facts we all need,” dagdag niya.


Binibigyang-diin ng mambabatas na ang paggalang sa institusyon ay hindi nangangahulugang pagtatakip sa sinumang may sala. Sa halip,  ito ay pagbibigay-daan sa mga kinatawang komite na gawin ang kanilang tungkulin at pagtitiyak na makakumpleto ng salaysay sa ilalim ng panunumpa, habang nakikipagtulungan sa ahensya ng ehekutibo kung may pananagutang kriminal.


“Hindi kailangang bastusin ang institusyon para umusad ang katotohanan. Trabaho ng Kongreso ang magtanong at mag-audit bilang bahagi ng oversight powers. Kung may kasalanan, papanagutin,” pahayag ni Adiong.


Hinikayat din ng lider ng Mindanao House si Magalong na ialatag ang mga dokumento, pangalanan ang dapat pangalanan, at tumulong na makamit ang mga hatol kung kinakailangan.


“We welcome testimony under oath, in an open forum, with complete documentary support. That is the most direct way to protect public funds, clean up the system and ensure that every peso truly prevents flooding rather than lining pockets,” sabi pa niya.


“But let us raise the standard of our public conversation. Kung may ebidensya, ilatag. Kung may salita, ingatan. We owe it to the people to pursue the truth with precision, and we owe it to our institutions to pursue it with respect,” pagtatapos ni Adiong. (END)