Wednesday, August 24, 2022

MGA PANUKALA HINGGIL SA PAMAMALAKAD NG INTERNET PASADO SA KOMITE

Inaprubahan ng Komite ng Trade at Industry sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Batangas Rep. Mario Vittorio Marino, ang ilang panukala hinggil sa pamamalakad ng internet na ginanap ngayong Miyerkules, sa kanilang organizational meeting. 


Sa pagbanggit sa Rule 10, Section 48 ng House Rules, inaprubahan ng Komite ang House Bill 4, na nagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer at mangangalakal na nakikibahagi sa mga transaksyon sa internet. 


Ang panukala ay layong lumikha ng Electronic Commerce Bureau. 


Ang panukala ay inihain nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Rep. Yedda Marie Romualdez (Party-list, TINGOG), Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos (1st District, Ilocos Norte), at Rep. Jude Acidre (Party-list, TINGOG). 


Ang HB 4 ay inaprubahan bilang nangunguna sa mga pinagsama-samang mga panukala, sa iba pang mga magkakatulad na titulo. 


Ito ay ang HB 687 ni Rep. Joey Sarte Salceda (2nd District, Albay); HBs 779 at 950 ni Rep. Rex Gatchalian (1st District, Valenzuela City); HB 2599 ni Rep.Carlito Marquez (1st District, Aklan); HB 2732 ni Rep. Jonathan Clement Abalos II (Party-list, 4PS); HB 28858 ni Rep. Eric Go Yap (Lone District, Benguet); Edvic Yap (Party-list, ACT-CIS), Rep. Jocelyn Tulfo (Party-list, ACT-CIS), Rep. Ralph Wendel Tu. HB 2929 ni Rep. Joseph Lara (3rd District, Cagayan); HB 3011 ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City); HB 3050 ni Rep. Paolo Duterte (1st District, Davao City); HB 3084 ni Rep. Juan Carlos Atayde (1st District, Quezon City); HB 3149 ni Rep. Ambrosio Cruz, Jr. (5th District, Bulacan); HB 3422 ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan; at HB 3564 ni Rep. Christopherson Yap (2nd District, Southern Leyte). 


Sinabi ni Marino na ang paglago ng mga transaksyon sa e-commerce ay nagresulta na kailangan nang magkaroon ng regulasyon ang pamahalaan. 


“The exponential rise and consequent prevalence of online purchases are largely due to the COVID-19 pandemic lockdowns that have constrained the everyday consumer to stay at home,” aniya.  


Ayon pa kay Marino may matinding pangangailangan na magbigay ng mahusay na mekanismo ng regulasyon, upang matugunan ang mga reklamo at alalahanin ng mga mamimili, kabilang ang mga usapin sa privacy, kalakalan, pagbubuwis, at paggawa. 


“Likewise, consumer concern on security issues should be addressed by strengthening awareness in data security and supporting the capability of firms to protect e-commerce platforms,” ani Marino. 


Inaprubahan din ng Komite ang committee report sa mga naaprubahang hakbang. Sa panimula ng pagpupulong, inaprubahan at pinagtibay ang Committee’s Rules of Procedure.

No comments:

Post a Comment