NGCP pinagmulta ng P15.8M ng ERC kaugnay ng delay sa mga proyekto
Pinagmumulta ng halagang P15.8 milyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng hindi makatwirang pagka-antala sa 34 sa 37 proyekto nito.
Ito ang inihayag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa ginanap na briefing ng House Committee on Legislative Franchises noong Lunes.
“We investigated 37 delayed projects. As required by due process, we required NGCP to submit their explanation,” ayon kay Dimalanta.
“Out of the 37 delayed projects, we found that there were unjustified delays for 34 projects,” saad pa ni Dimalanta.
Ipinaliwanag ni Dimalanta, ang mga multa ay nakabatay sa itinakdang iskedyul na penalty ng ERC. “The first two instances of penalties are only penalized, I think, at P100,000 per violation and then the succeeding ones are at P500,000. So there was a graduation of penalties.”
Nangangamba naman si Paraรฑaque City Rep. Gus Tambunting, chairperson ng House Committee on Legislative Franchises, na hindi sapat ang mga multa kumpara sa naging epekto ng mga pagkaantala ng proyekto sa ekonomiya.
“That’s averaging around P500,000 per project? How were the fines established? Is it a fixed rate?” Tanong ng mambabatas sa ginanap pagdinig.
Inamin ni Dimalanta na hindi sapat ang multa dahil sa laki ng epekto ng delay sa ekonomiya. “The cost of these penalties couldn’t really be compared to the cost of the delays, but we are bound by the schedule of fines and penalties which capped it at P500,000.”
Ayon kay Dimalanta, bagama’t nakapagbayad na ang NGCP ng multa, ilan sa mga ito ay ginawa ng kompanya underprotest.
Sa pagdinig, ipinagtanggol ni Leonor Felipa Cynthia Alabanza, Assistant Vice President at Head of Public Relations ng NGCP, ang mga hakbang ng kompanya, at ikinatwiran ang mga hadlang sa regulasyon at mga panlabas na aspeto bilang mga dahilan ng mga pagkaantala.
Tinuturing ng maraming kritiko ang mga pagkaantala sa mga mahahalagang proyektong imprastraktura na may malalaking epekto sa seguridad ng enerhiya at katatagan ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan na ang mga natuklasan ng ERC ay magpapalakas sa pagnanais ng lehislatura na higpitan ang pag-monitor sa operasyon ng NGCP at matiyak na matatapos sa tamang oras ang mga energy infrastructure projects. (END)
@@@@@@@@@@@@
NGCP pinagmulta ng P15.8M ng ERC kaugnay ng delay sa mga proyekto
Pinagmumulta ng halagang P15.8 milyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng hindi makatwirang pagka-antala sa 34 sa 37 proyekto nito.
Ito ang inihayag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa ginanap na briefing ng House Committee on Legislative Franchises noong Lunes.
“We investigated 37 delayed projects. As required by due process, we required NGCP to submit their explanation,” ayon kay Dimalanta.
“Out of the 37 delayed projects, we found that there were unjustified delays for 34 projects,” saad pa ni Dimalanta.
Ipinaliwanag ni Dimalanta, ang mga multa ay nakabatay sa itinakdang iskedyul na penalty ng ERC. “The first two instances of penalties are only penalized, I think, at P100,000 per violation and then the succeeding ones are at P500,000. So there was a graduation of penalties.”
Nangangamba naman si Paraรฑaque City Rep. Gus Tambunting, chairperson ng House Committee on Legislative Franchises, na hindi sapat ang mga multa kumpara sa naging epekto ng mga pagkaantala ng proyekto sa ekonomiya.
“That’s averaging around P500,000 per project? How were the fines established? Is it a fixed rate?” Tanong ng mambabatas sa ginanap pagdinig.
Inamin ni Dimalanta na hindi sapat ang multa dahil sa laki ng epekto ng delay sa ekonomiya. “The cost of these penalties couldn’t really be compared to the cost of the delays, but we are bound by the schedule of fines and penalties which capped it at P500,000.”
Ayon kay Dimalanta, bagama’t nakapagbayad na ang NGCP ng multa, ilan sa mga ito ay ginawa ng kompanya underprotest.
Sa pagdinig, ipinagtanggol ni Leonor Felipa Cynthia Alabanza, Assistant Vice President at Head of Public Relations ng NGCP, ang mga hakbang ng kompanya, at ikinatwiran ang mga hadlang sa regulasyon at mga panlabas na aspeto bilang mga dahilan ng mga pagkaantala.
Tinuturing ng maraming kritiko ang mga pagkaantala sa mga mahahalagang proyektong imprastraktura na may malalaking epekto sa seguridad ng enerhiya at katatagan ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan na ang mga natuklasan ng ERC ay magpapalakas sa pagnanais ng lehislatura na higpitan ang pag-monitor sa operasyon ng NGCP at matiyak na matatapos sa tamang oras ang mga energy infrastructure projects. (END)
@@&@@@&&&&&&&
Kamara sisilipin kung nakakasunod NGCP sa prangkisa
Iimbestigahan ng Kamara de Representantes kung nasusunod ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nakasaad sa prangkisang ibinigay dito ng Kongreso.
Ginawa ng chairperson ng komite na si Paraรฑaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting ang desisyon sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng NGCP na maaari umanong paglabag sa prangkisa nito sa isinagawang briefing sa kahandaan ng mga power utility sa inaasahang epekto ng La Niรฑa phenomenon.
Sa pagdinig noong Lunes, iminungkahi ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ang isang komprehensibong pagrepaso sa performance ng NGCP upang malaman kung nakakasunod ito sa mga probisyon ng kanilang prangkisa. Hindi nagtagal ay binago ni Suarez ang kanyang mosyon at hiniling na isang pagdinig at hindi lamang pagrepaso ang isagawa ng komite.
“Given that we are touching on sections and articles of the franchise being enjoyed by NGCP, I therefore move that during the next committee hearing, we do a thorough review and we do a thorough analysis of the performance of NGCP with respect to its franchise. So moved, Mr. Chair,” sabi ni Suarez.
Inamyendahan naman ni Suarez ang kanyang mosyon: “May I call on the members to vote on conducting a motu proprio inquiry for the review of the congressional franchise of NGCP. I move a referendum be made on this matter. So moved, Mr. Chair.”
Sumegunda naman si Laguna Rep. Dan Fernandez mosyon na inaprubahan ni Tambunting matapos na walang tumutol dito.
Sisilipin sa isasagawang imbestigasyon ang pagsunod ng NGCP sa mga obligasyon nito batay sa ibinigay na prangkisa ng Kongreso, ang mga hindi pa rin natatapos na proyekto, at ang paniningil sa mga kustomer ng mga proyektong hindi pa napapakinabangan at ang pagbibigay umano ng prayoridad ng kompanya sa dibidendong matatanggap ng kanilang mga shareholder sa halip na ang kapakanan ng publiko.
Iginiit ni Fernandez ang pangangailangan na mapanagot ang NGCP kung hindi nito nasusunod ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng ibinigay sa kanilang prangkisa.
“The power of oversight is within this committee,” sabi ni Fernandez. “We can and must review whether NGCP is living up to the expectations set by its franchise.”
Ang mosyon ay bunsod ng mga alegasyon ng pagkabigo ng NGCP na tapusin ang mga transmission project nito sa oras.
Iniulat ni Energy Undersecretary Sharon Garin na sa 111 NCGP project na inaprubahan para sa third regulatory period, tanging 83 lamang ang nakompleto o 77 ang delayed.
Sinabi ni Garin na kasama rito ang Hermosa-San Jose transmission line na walong beses ng binabago ang panahon kung kailan ito dapat na matapos.
Ang mga delay na ito, ayon kay Garin ay isa sa mga dahilan kung bakit mahal ang kuryente at nagkakaroon ng mga power outage.
Ikinadismaya rin ng mga mambabatas ang 91.2% dividend payout rate ng NGCP, na pagpapakiita umano na inuuna ang kita ng mga shareholder sa halip napondohan ang mga kinakailangang imprastraktura.
“Dapat inuuna nila ang priority at ang pagbibigay ng tamang serbisyo sa taong-bayan, hindi ang mga shareholders nila,” sabi ni Suarez.
Kinondena rin ni Fernandez ang NGCP sa paniningil sa mga kustomer ng mga proyektong hindi pa natatapos na napapakinabangan ng publiko.
“Is it just and fair to impose and ask the consumers to pay for something that is still not operating?” tanong ni Fernandez.
Dagdag pa nito: “More than P100 billion ang cost ng mga projects na ‘yan. Yet our recovery for that is less than 1%. So what my point here in saying, it may not entirely be accurate that in all cases NGCP is collecting for projects that are not yet useful or being used.”
Pinuntirya rin ng mga kongresista ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagpayag sa NCGP na isama ang “as-spent” costs sa kanilang Regulatory Asset Base, kaya nasisingil na ang mga kustomer sa proyektong hindi pa natatapos.
“Hindi po pwede na ‘yang hindi pa natin ginagamit na mga project eh ikakarga sa taong-bayan,” giit ni Fernandez.
Sinabi ni Fernandez na tinutulan ito nina ERC Chairperson Monalisa Dimalanta at Commissioner Catherine Maceda pero natalo ang kanilang boto.
Ayon kay Dimalanta sa as-spent cost, ang transmission rate ay maaaring tumaas ng hanggang 12 sentimos kada kilowatt-hour sa loob ng 12 buwan.
Kung gagamitin naman umano ang as-completed approach, kung saan maniningil lamang ang NGCP kapag natapos na ang proyekto, maaari umanong mag-refund sa mga kustomer ng hanggang P1 kada kWh.
“Charging for projects that are incomplete, not yet operating, and unproven efficient is fundamentally wrong,” sabi ni Dimalanta.
Sisilipin sa isasagawang imbestigasyon ng komite ang operational at financial compliance ng NGCP sa prangkisa nito sa ilalim ng Republic Act No. 9511.
Ang NGCP ang nag-iisang transmission utility sa bansa. Ang 60% nito ay pagmamay-ari ng mga Pilipino kasama ang mga business tycoon na sina Henry Sy Jr. at Robert Coyiuto Jr. at ang 40% ay ang State Grid Corp. of China.
Iimbitahan sa susunod na pagdinig ang mga opisyal ng NGCP, at mga pangunahing shareholder nito upang malinawan ang ginagawa ng kompanya.
Inaasahan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa unang bahagi ng susunod na taon. (END)
@@@@@@@@@@@@
NGCP kinastigo sa pagpapahirap sa konsyumer ng kuryente
Kinastigo ni Laguna Rep. Dan Fernandez ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises noong Lunes dahil sa paniningil nito sa mga konsyumer ng kuryente ng mga proyekto kahit na hindi pa napapakinabangan ang mga proyekto nito.
Sinabi ni Fernandez na hindi makatarungan at malaki ang epekto sa publiko ng ginagawang ito ng NGCP kaya dapat umanong itigil ang sistemang ito.
“Parang ‘yung mga project na ginagawa pa lang ng NGCP eh hindi pa po nagagamit, hindi pa siya useful, hindi pa siya commissioned, hindi pa natin makikita na siya ay efficient dahil hindi pa siya tapos, sinisingil na natin sa taumbayan,” ayon kay Fernandez.
Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta ito rin ang kanyang posisyon subalit siya ay natalo sa botohan at ang nanaig ay ang paniningil sa konsyumer ng mga proyekto kahit hindi pa tapos ang mga ito o ang isama lamang sa Regulatory Asset Base (RAB) ang mga natapos ng proyekto.
“As far as the minority is concerned, only the CAPEX amounts that resulted in actual assets. Hindi mo po kasi siya mabo-book as actual assets as if unless buo na po yung project eh,” paliwanag ni Dimalanta.
Gayunpaman, sinabi ni Dimalanta na inaprubahan ng mayorya ng ERC ang pagsama ng CAPEX batay sa “as spent” na pamamaraan.
“The decision po of the majority is to allow NGCP to recognize the CAPEX of the value ‘as spent,’ so it is the ‘as spent approach’ versus the ‘completed and commissioned,’” ayon kay Dimalanta.
Sinabi ni Fernandez na mali ang ginawang ito ng ERC.
“Hindi pwede ‘yun. Hindi pwe-pwedeng nagastusan na ng NGCP yung proyekto na hindi naman natin nagagamit ‘yung pino-produce nilang energy eh kinakarga na ng taumbayan,” saad nito.
Binatikos pa ni Fernandez ang nasabing desisyon at tinawag itong “katawa-tawa” at “lubhang imoral,” na inihalintulad ito sa paghingi ng bayad mula sa mga tao para sa isang hindi natapos na tollway.
Ipinakita ni Dimalanta ang mga pagkakaiba sa mga pagtataya ng CAPEX na isinumite ng NGCP at ang mga resulta mula sa mga independent consultants.
“The independent consultant recommended a CAPEX of only P24.9 billion. I think the numbers referred to are the CAPEX adopted by the majority, which is P179.3 billion for 2016 to 2022,” paliwanag pa ng opisyal.
Tinanong ni Fernandez ang basehan ng malaking pagtaas sa pagtataya ng halaga.
“Ito ay tumaas ng P196.6 (from P173 billion) para doon sa final determination. Ang tanong ko, ano ang pinagbabasehan ng desisyon noong pagtaas ng almost P23 billion citing that those projects were considered spent,” tanong nito.
Binigyang-diin ni Dimalanta ang pagtutol ng minorya, iginiit ang kanilang posisyon na tanging mga natapos at mahusay na proyekto lamang ang dapat isama sa RAB.
“That’s our stand. And the majority po, the stand of the majority, at least in the draft final determination, is that basta nagastos na ni NGCP, pwede na po niyang i-recover,” paliwanag nito.
Naninindigan si Fernandez na ang ganitong gawain ay labis na hindi makatarungan para sa mga konsyumer ng kuryente sa Pilipinas.
“Saan ka naman nakakita na ang tollway, ginagawa pa lang pero binabayaran na ng tao. That is absurd. That is highly immoral,” giit pa nito.
Bukod pa rito, ibinunyag ni Dimalanta na nagsumite rin ang NGCP ng aplikasyon upang isama ang P214.6 bilyong halaga ng CAPEX sa kanilang RAB. Nagdulot ito ng karagdagang alalahanin tungkol sa pinansyal na pasanin na ipinapataw sa mga konsyumer para sa mga hindi natapos na infrastructure projects.
Pinagtanggol ni Leonor Felipa Cynthia Alabanza, Assistant Vice President at Head of Public Relations ng NGCP, ang mga kasanayan ng kumpanya, partikular ang paggamit ng “as spent” approach, sa pamamagitan ng pagsasabing may mga naunang halimbawa o precedents na sumusuporta sa ganitong gawain.
“Historically, the ERC has allowed us on an ‘as spent’ basis,” paliwanag pa ni Alabanza na ang mga malalaking proyekto ng imprastruktura ay karaniwang nangangailangan ng malaking gastos sa simula.
Hindi naman tinanggap ni Fernandez ang katwiran at binigyang-diin na ang mga ganitong gawain ay labag sa prinsipyo ng katarungan at pananagutan. Giit pa ng mambabatas na ang pagsingil para sa mga hindi natapos na proyekto ay hindi tama.
Ang pagdinig ay higit pang naglantad ng mga kontrobersyal na gawain ng NGCP at ang mga kakulangan sa regulasyon na nagpahintulot sa mga isyung ito na magpatuloy.
Sa kasalukuyan, ang mga mambabatas ay nagsusulong ng mas mahigpit na pangangasiwa upang maiwasan ang mga kaparehong problema sa hinaharap at maprotektahan ang kapakanan ng mga konsyumer ng kuryente sa Pilipinas. (END)
@@@@@@@@@@@
Kamara iimbestigahan pagkaantala ng 200 power transmission project ng NGCP
Iimbestigahan ng Kamara de Representantes ang napaulat na pagkaantala ng nasa 200 electricity transmission project na makatutulong sana upang maibsan ang inaasahang matinding masamang panahon sa 2025.
Nagpatawag ng briefing ang Committee on Legislative Franchises, na pinamumunuan ni Paranaque City Rep. Gus Tambunting, ngayong Lunes kaugnay sa mga proyekto ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), kasama ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang stakeholders
Hulyo pa nagsimulang magpatawag ng pulong ang komite bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niรฑa.
Nakatanggap din ang komite ng tatlong resolusyon mula sa plenaryo na nananawagan para imbestigahan ang atrasadong mga proyekto ng NGCP, isyu ng monopolyo at posibleng mga paglabas sa kondisyong nakalatag sa kanilang legislative franchise.
Sa pagsisimula ng pagdinig sinabi ni Tambunting na ang Kamara ay handang tiyakin na ang mga binibigyan nito ng prangkisa ay nakahandang magbigay ng nararapat na serbisyo sa kani-kanilang larangan.
Sinabi ni Tambunting na noong Abril ay nakaranas ng malubhang init ang bansa na nagresulta sa pagsasara ng mga planta dahil sa taas ng demand sa kuryente at malawakang power outage.
Kaya para tugunan ang isyu, ipinatawag na ng komite ang stakeholders, partikular ang NGCP, DOE, ang ahensya na responsable sa pagsiguro ng maaasahan, sapat at abot-kayang suplay ng kuryente, at ang ERC na siyang state regulator.
“Through our briefings, it was revealed that over 200 critical transmission projects outlined in the latest approved 2023 Transmission Development Plan were significantly delayed, failing to meet their projected timelines,” saad niya.
Sinabi ng solon na kahit na kayang lumikha ng dagdag na kuryente ang mga planta, ang problema naman ay ang kawalan o kakulangan ng linya ng kuryente upang madala ito sa mga konsyumer.
“This challenge is particularly pressing as the country transitions to renewable energy sources, aligning with its commitment to combating climate change. This additional generation capacity is vital as rising temperatures drive up electricity demand and increase the likelihood of power plant shutdowns and outages,” diin ni Tambunting.
Ipinunto niya na mahalagang masilip ng Komite ang pagkaantala sa mga power transmission project, “as we head into the new year and brace for extreme weather anew.”
Pinasusumite naman ni In Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez sa DOE at ERC ang listahan ng mga aprubadong transmission infrastructure projects, timeline ng implementasyon, mga atrasadong proyekto at dahilan, petsa ng pagtatapos at iba pang mahahalagang impormasyon.
Sa nakaraang pag-dinig ng komite at natukoy na pinatawan ng ERW ang NGCP ng P15.8 million dahil sa 34 na “unjustified delays” sa 37 proyekto nito
Maliit lang ani Tambunting ang halaga ng multa na ito kumpara sa perwisyong dala sa mga konsyumer ng kabiguan ng NGCP na kumpletuhin sa tamang oras ang mga transmission facilities
Kumikita aniya ng bilyong piso kada taon ang NGCP kaya hindi mahirap bayaran ang multang P16 million.
Nilinaw naman ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta ang limitasyon sa pagpapataw ng multa salig sa batas.
“The cost of these penalties couldn’t really be compared to the cost of the delays, but we are bound by the schedule of fines and penalties, which are capped at P500,000 (per project),” saad niya
Ang NGCP ay isang transmission monopoly. Minana nito ang mga transmission lines, stations at kahalintulad na pasilidad mula sa state-owned National Power Corp. Ito ay apatnapung porsyentong pag-mamayrari ng Chinese state company, at may animnapung porsyento na hawak naman ng mga local big business partners.
Napagalaman ng mga mambabatas sa pag-dinig na nasa pagitan ng 74 prosyento hanggang 92 porsyento ang taunang kita ng NGCP na nasa P20 bilyon ay ibinabayad sa mga shareholder nito.
Tatlong resolusyon ang inihain para siyasatin ang pagkaantala sa implementasyon ng transmission facilities ng NGCP at mga posibleng paglabag sa prangkisa nito. Ito ay akda nina Reps. Dan Fernandez ng Laguna, Luis Raymund Villafuerte ng Camarines Sur, Brian Yamsuan ng Bicol Saro Party-list, Maria Rene Ann Lourdes Matibag ng Laguna, Ray Reyes ng Anakalusugan Party-list, at Rodante Marcoleta at Carolyn Tanchay ng Sagip Party-list. (END)
@@@@@@@@@@
Pasko ng pagkakaisa: Tagumpay sa gitna ng mga pagsubok - Speaker Romualdez
Ngayong Kapaskuhan, ipinaabot ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang taos-pusong pagbati nito ng Maligayang Pasko sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo.
Ayon sa lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan, ang panahong ito ay simbolo ng saya, pasasalamat, at pagmumuni-muni, at isang pagkakataon na maipagdiwang ang pagmamahal at pagkakaisa na nagbibigkis sa bawat isa bilang isang bansa.
“As we celebrate this joyous season, I extend my heartfelt Christmas greetings to every Filipino family, wherever you may be in the world. This season is a time of joy, gratitude, and reflection—a moment to honor the love and unity that bind us as a nation,” ayon kay Speaker Romualdez.
Binalikan din ni Speaker Romualdez ang mga hamong pinagdaanan ng bansa, mula sa mapaminsalang bagyo at iba pang kalamidad na sumubok sa katatagan ng mamamayan, hanggang sa mga ingay at hidwaang pulitikal na nagtangkang magdulot ng pagkakawatak-watak, pero nanatiling matatag ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ng bawat Pilipino.
“Christmas reminds us of what truly matters—faith, family, and compassion. It is a time to rise above our differences and focus on the shared values that make us one people,” ani Speaker Romualdez.
Dagdag pa ni Speaker Romualdez, hindi naging madali ang taong ito, lalo na para sa mga nawalan at naharap sa matitinding pagsubok dulot ng magkakasunod na kalamidad.
Gayunpaman, ani Speaker Romualdez sa gitna ng kahirapan, nasaksihan din ng mga Pilipino ang mga kabutihan at bayanihan na nagbigay ng inspirasyon at nagpatibay sa buong komunidad.
Sa biyaya ng Diyos at sa hindi matitinag na katatagan ng sambayanang Pilipino, sinabi ni Speaker Romualdez na sama-samang nalampasan ang mga hamon at pagsubok na dumating.
“Ang simpleng pagdamay sa kapwa ay nagbibigay-liwanag sa kanilang buhay. Let us also take this time to give thanks for even the smallest blessings and pray for those who are still striving toward a better tomorrow,” saad pa ng lider ng Kamara.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang bawat mamamayang Pilipino, na sa pagharap sa Bagong Taon ay bitbitin natin ang pangako ng mas maliwanag na bukas.
“As we prepare to welcome the New Year, let us hold onto the promise of a brighter future. Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan, makakamtan natin ang mas maayos, mas maunlad, at mas mapayapang Pilipinas,” ani Romualdez.
Umaasa rin si Speaker Romualdez na maghahatid ang liwanag ng Pasko ng kapayapaan, pagmamahal, at saya sa bawat tahanan at puso.
“Together, let us work for a better future, guided by hope, unity, and faith in one another,” wika pa ng lider ng Kamara.
“Muli, Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa bawat pamilyang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas, at mabuhay ang mga Pilipino,” pagtatapos nito. (END)