Monday, August 22, 2022

ALLOWANCE NG PUBLIC HEALTHCARE WORKERS PARA SA 2023, PINALALAANAN PA RIN SA NEP 2023

Pinaglaanan pa rin ng pamahalaan ang benepisyo at allowance ng mga public healthcare workers sa 2023 National Expenditure Program.


Nakasaad sa budget message ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., 19 billion pesos ang inilaan para sa public health emergency benefits and allowances ng healthcare workers sa public health institutions.


Bilang pagtalima rin sa RA 11712 o Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act, may ipinaloob din sa proposed budget na P1 billion pesos na sasakop sa65,294 healthcare workers sa bansa.


Bahagi naman ng pagpapalakas ng pagbabantay o surveillance capacity ng health care system ng bansa.


Ipinanukala ang P718 million para sa national surveillance network.


Ayon sa pangulong marcos jr., mula sa kasalukuyang COVID-19 surveillance system ay gagawin na itong isang regular na programa upang makapangalap ng kinakailangang data at impormasyon kaugnay sa mga sakit.

No comments:

Post a Comment