Tuesday, August 23, 2022

INTER-AGENCY TASK FORCE NA TUTULONG SA MGA PRIBADONG ESKUWELAHAN NA NAGSARA DULOT NG PANDEMYA

Itinutulak ni Ang Pobinsiyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos ang pagbuo ng isang inter-agency task force na siyang magsisilbing “caretaker” ng mga pribadong paaralan na naghihingalo bunsod ng epekto ng pandemiya.


Isa sa inihalimbawa ni Delos Santos ang ay Colegio de San Lorenzo sa Quezon City na nagsara kamakailan.


Aniya, bagamat inaasahan na ang malaking epekto ng COVID-19 pendemic sa ekonomiya ng bansa kasama ang mga paaralan, hindi maaaring basta na lamang pabayaan na magsara ang mga ito lalo at ang edukasyon ng mga mag-aaral ang maaapektuhan.


Ayon sa kinatawan, habang dumadaan sa corporate receivership o rehabilitasyon ang naapektuhan paaralan aalalayan ng naturang ‘caretaker’ task force ang mga eskuwelahan hanggang sa makabangon.


Maaari aniya pangunahan ng Securities and Exchange Commission katuwang ang DepED, CHED at DOLE ang bubuoing inter-agency task force.


Mungkahi pa nito na habang nasa proseso, ay pahintulutan ang DepED at CHED na gamitin ang kanilang education service contracting funds upang isalba ang maliliit at medium-sized private schools.


“…we cannot simply allow public or private schools to shut down because places of learning are deeply impressed with public interest. Thus, I want to suggest the constitution of an inter-agency task force to supervise these troubled schools while they are in corporate receivership or rehabilitation. For instance, members of a ‘caretaker’ inter-agency task force led by the Securities and Exchange Commission, the Department of Education, the Commission on Higher Education, and the Department of Labor and Employment may be formed to assist these entities regain liquidity.” Ani delos Santos.


##

No comments:

Post a Comment