25 Enero 2025 — Balangkas ng Programa para sa “Katropa sa Kamara”
Segmento 1: Pagbubukas (10-15 minuto)
• Musikang Panimula at Pagbati.
• Batiin ang inyong tagapakinig sa Filipino.
@@@@@@@@@@@@@@@
>> HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, /MAGANDANG UMAGA LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!
Ilocano - naimbag na bigat
Hiligaynon - maayo nga aga
Waray - maupay nga aga
Kapangpangan - mayak a abak
Bicolano - marhay na aga
Pangasinenese - maabug ya kaboasan
Maranaoan - mapiya kapipita
YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA.
BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.
SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA AT ANG KANYANG DEPUTY GROUP COMMANDER NA SI MAJ MARK ANTHONY CARDINOZA / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.
• Maikling buod ng mga tatalakayin sa programa.
>> YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,
MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318 AT +63 905 457 7102
ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'
@@@@@@@@@@@@@@@
• Mga Pangunahing Balitang Pambatasan.
>> Pagpapakalat ng fake news sa 2025 national budget target ibalik confidential fund ni VP Sara, ayon sa isang solon
Pilipinas, gumagawa ng mga hakbang para maging business-friendly, pahayag ng lider ng Kamara sa mga business executive
Payo ng isang mambabatas sa PhilHealth: Pag-aralan ang mungkahi ni Speaker Romualdez na one-year moratorium sa premium
Speaker Romualdez, pinuri si PBBM sa paglaya ng 17 Filipino seafarers na binihag ng Houti rebels
NBI magsasampa ng kaso laban sa Barayuga slay suspects sa susunod na buwan
Kamara buo ang suporta sa mga residente ng Pag-asa Island— Speaker Romualdez
Quad comm na puno na kay Grijaldo, muling na-contempt, makukulong sa QCPD Station 6
Paghikayat sa mga mamumuhunan target ng PH delegation sa WEF 2025— Speaker Romualdez
Fall guys, hindi totoong mastermind nakulong sa bilyun-bilyong smuggling ng iligal na droga— Quad Comm chair Barbers
Contempt order laban kay dating PDEA chief Villanueva binawi ng House Quad Comm
@@@@@@@@@@@@@
• Ibahagi ang mga mahahalagang balita tungkol sa batas ngayong linggo.
• Buod ng mga mahahalagang panukalang batas o resolusyon.
>> Mga Bagong Batas na Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 9, 2024
1. Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act
• Layunin ng batas na ito na isulong ang mga programa para sa kalusugan ng kaisipan at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at non-teaching personnel sa basic education sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
2. Value-Added Tax (VAT) Refund for Non-Resident Tourists Act
• Ang batas na ito ay naglalayong magbigay ng VAT refund sa mga dayuhang turista upang hikayatin ang mas maraming bisita at palakasin ang sektor ng turismo ng bansa.
3. Amendments to the Agricultural Tariffication Act (ATA)
• Layunin nitong palawigin ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031, na magbibigay ng suporta sa mga magsasaka at magpapalakas sa industriya ng bigas sa Pilipinas.
@@@@@@@@@@@@@
Segmento 2: Recap ng Plenaryong Pagpupulong sa Linggo (20-30 minuto)
• Mga Pangunahing Pangyayari sa Plenaryo.
• Ibahagi ang mga mahahalagang talakayan, debate, at desisyon.
• Banggitin ang mga pangunahing mambabatas at ang kanilang mga posisyon.
• Mabilisang Paliwanag.
• Paliitin o gawing simple ang isang teknikal o kontrobersyal na paksa.
>> Nitong kasalukuyang linggo, ang pinakamahalagang kaganapan AY ANG PAGTALAKAY NG INQUIRY, IN AID OF LEGISLATION, ON THE REPORTED
MISMANAGEMENT AND NON-COMPLIANCE WITH MANDATED
STANDARDS BY THE NATIONAL COMMISSION ON MUSLIM
FILIPINOS (NCMF) OF THE 2023 HAJJ PILGRIMAGE AND ON THE
UTILIZATION OF PUBLIC FUNDS THEREFOR;
Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Magna Carta para sa mga Tricycle Driver at Operator
Sa sesyon ng plenaryo noong Miyerkules, 180 kongresista ang nagkakaisang nagpasa ng House Bill No. 11227, na pinagsama-sama ang anim na panukalang batas. Layunin nitong tukuyin ang mga karapatan ng mga manggagawa sa sektor ng tricycle at magbigay ng mekanismo para sa pagpapatupad at proteksyon ng sektor, pati na rin para sa kaligtasan ng publiko at ng kalikasan.
Habang pinagtitibay nito ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na mag-regulate ng mga tricycle at mag-isyu ng mga permit para sa mga operator, inilalatag din ng panukalang batas ang mga tungkulin at responsibilidad ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Mga Kailangan sa Operasyon
Nililinaw ng panukalang batas ang mga kinakailangan sa pagpapatakbo ng mga tricycle, kabilang ang mga ruta, kwalipikasyon ng mga driver, at roadworthiness ng mga sasakyan, upang matiyak ang kaligtasan, kahusayan, at maayos na integrasyon ng tricycle bilang pampublikong transportasyon.
Inaatasan din nito ang DOTr, Department of Science and Technology (DOST), at Department of Trade and Industry (DTI) na hikayatin ang paggawa ng mas mahusay na mga makina at mas malinis na teknolohiya.
Gayunpaman, nagpahayag ng pag-aalala si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, na bagama’t bumoto siyang pabor sa panukala, nagbabala siya na ang probisyon tungkol sa “phase-in ng mas mahusay na mga makina” ay maaaring magdulot ng paglabag sa mga karapatan ng mga tricycle driver at operator sa kalaunan.
@@@@@@@@@@@@@@
>> Barbers nananawagan na magtatag ng Deuterium R&D Office; hikayatin ang mga siyentipiko at eksperto sa energy development upang magsaliksik, tuklasin, at minaing ito bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya
Naghain ng panukalang batas ang isang mambabatas mula Mindanao na naglalayong magtatag ng isang research and development agency upang tuklasin at magamit ang deuterium bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya, kasabay ng pagsisikap na matugunan ang tumataas na halaga ng gasolina at enerhiya sa bansa.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at lead chair ng Lower House’s Quad Committee, tinukoy ng ilang miyembro ng siyentipikong komunidad na ang Philippine Trench o Mindanao Deep, na matatagpuan sa baybayin ng Surigao del Norte, ang may pinakamalaking deposito ng deuterium sa buong mundo.
“Mahalaga na tuklasin at mag-invest sa mga alternatibong pinagkukunan ng enerhiya tulad ng deuterium na sustainable at environment-friendly. Ang patuloy na pag-asa sa fossil fuels bilang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ay nagpapalala sa global warming dahil sa labis na carbon emissions, na nagbabanta sa mga ecosystem at sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon,” ani Barbers.
Sa ilalim ng kanyang House Bill No. 11295 na inihain noong Enero 15, binigyang-diin ni Barbers ang pangangailangang magtatag ng Philippine Deuterium Research and Development Authority (PDRDA) upang maghanda ang bansa na magsagawa ng proactive na hakbang sa pagtuklas ng deuterium, na nananatiling hindi pa nagagamit na pinagkukunan ng enerhiya.
Ang PDRDA ay magiging isang attached agency ng Department of Science and Technology (DOST). Bukod sa pagiging R&D office para sa deuterium, magkakaroon ito ng kapangyarihan na pangasiwaan ang pagpasok ng mga dayuhang eksperto at mapagkukunan upang mapabilis ang scientific information at technology transfer ng lokal na kaalaman tungkol sa deuterium-based energy source.
Magkakaroon din ng Board of Trustees na binubuo ng mga opisyal ng gobyerno mula sa larangan ng energy research, kinatawan mula sa pribadong sektor, at mga miyembro ng mga organisasyon ng siyentipiko at inhinyero sa energy research and development.
Sinabi ni Barbers na mula pa noong dekada 1980, bagamat may ilang tumututol dito, umiiral ang mga ulat na ang Pilipinas ang may pinakamalaking deposito ng deuterium sa buong mundo, partikular sa Philippine Deep, at ang pagmimina nito ay makikinabang sa ekonomiya ng bansa.
“Di natin maitatanggi na ang mga malalaking oil companies at mga bansang nagpo-produce ng langis ay maaaring ma-threaten sa potensyal ng deuterium bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya dahil posibleng magbago ang kanilang mga ekonomiya kung magamit natin ito,” sabi niya.
“Hindi malayong mag-effort sila o maglagay ng pressure o magpakalat ng disinformation para pigilan ang R&D natin sa deuterium na tinaguriang ‘fuel of the future,’” dagdag niya.
Hanggang sa 2021, iniulat na ang paggamit ng deuterium bilang pangmalawakang pinagkukunan ng enerhiya ay nasa maagang bahagi pa lamang ng pananaliksik. Ayon sa Philippine National Oil Company, patuloy pa rin ang pag-aaral tungkol dito, at “technologically speaking, ang deuterium bilang fuel ay hindi pa masyadong napag-aaralan at pangunahing ginagamit pa lamang sa mga prototype ng nuclear fusion reactors.”
Ang deuterium ay isang isotope ng hydrogen na may neutron at natatagpuan sa halos isa sa bawat 6,400 hydrogen atoms. Sinasabing sagana ito sa mga karagatan.
“Ito ay isang malinis na pinagkukunan ng enerhiya na walang masamang carbon emissions. Ang byproducts nito ay limitado lamang sa water vapor o steam. Maaari rin itong maging kapalit ng tradisyunal na fuels tulad ng gasolina, LPG, at aviation fuel, na nagbibigay ng mas versatile at sustainable na solusyon para sa pagpapatakbo ng internal combustion engines,” paliwanag ni Barbers.
@@@@@@@@@@@@@@
Segmento 3: Pagpapaliwanag ng Proseso ng Batas (10-15 minuto)
• Pumili ng isang proseso ng paggawa ng batas na tatalakayin.
• Halimbawa: paano nagiging batas ang isang panukalang batas.
• Ipaliwanag ito sa simpleng Filipino.
• Iugnay ito sa isang kasalukuyang isyu kung maaari.
Segmento 4: Mga Pangyayari sa Pagdinig ng Komite (20-30 minuto)
• Mga Pangunahing Pagdinig sa Linggo.
• Ibahagi ang mga update mula sa mga pagdinig ng komite.
• Ituon ang pansin sa mga isyung mahalaga sa publiko.
• Halimbawa: pambansang badyet o mga reporma sa edukasyon.
• Mga Pahayag mula sa Panauhin (Opsyonal).
• Magpatugtog ng mga soundbite o pahayag kung mayroon.
• Magbigay ng inyong sariling pagsusuri pagkatapos.
Segmento 5: Komentaryo at Pagsusuri (20-25 minuto)
• Pagsusuri ng mga Pangunahing Isyu.
• Talakayin nang mas malalim ang isang mainit na isyung pambatasan.
• Gamitin ang Filipino at Ingles para sa mas malinaw na pagpapaliwanag.
• Pakikilahok ng Tagapakinig (Opsyonal).
• Ibahagi ang mga tanong o opinyon ng mga tagapakinig mula sa social media.
Segmento 6: Pagsasara (5-10 minuto)
• Balikan ang mga pangunahing puntong natalakay sa programa.
• Banggitin kung ano ang aabangan sa susunod na episode.
• Hikayatin ang mga tagapakinig na sundan ang programa.
• Tapusin sa inyong pirma o karaniwang pamamaalam sa Filipino.
>> SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON, JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.
OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP.
———————————-
SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...
-------------------
HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.
MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.
DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA.
ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..
SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.