Wednesday, August 24, 2022

ANTI- FLOOD MASTER PLAN PARA SA METRO MANILA, PINASISIYASAT ANG KAKAYAHAN NITO

Ipinasisiyasat ni House Deputy Speaker Ralph Recto sa Kamara ang estado at kakayahan ng “anti-flood master plan” para sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lugar at matiyak ang “cost-effective” na paggastos para sa naturang plano.


Sa House Resolution 224 --- inaatasan ang House Committee on Public Works and Highways na magdaos ng imbestigasyon “in aid of legislation.”


Ito ay para na rin makahanap ng mga solusyon sa palagi na lamang problema sa baha lalo’t ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas tamaan ng kalamidad na mayroong average na 20 bagyo kada taon.


Halimbawa pa ng mambabatas, ang “Habagat” na karaniwang nararanasan tuwing Hulyo hanggang Setyembre ay nagdudulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.


At dahil dito, iba’t ibang kalsada ang hindi o mahirap madaanan ng mga sasakyan at libo-libong mga pasahero ng pampublikong transportasyon ang nai-stranded.


Batay naman sa Department of Public Works and Highways o DPWH, 3 ang pangunahing rason ng pagbaha sa Kalakhang Maynila --- una, ang malaking volume ng tubig na nagmumula sa kabundukan ng Sierra Madre; ikalawa, ang mga baradong kanal; at ikatlo, presensya na “low-lying communities” sa Manila Bay at Laguna Lake.


Sinabi ni Recto na mayroong P350 billion Metro Manila Flood Management Master Plan, na roadmap ng pamahalaan at naka-programa mula 2012 hanggang 2035.


Samantala sa higit P785 billion na pondo ng DPWH sa ilalim ng 2022 National Budget, tanging P128.97 billion ang laan sa Flood Management Program.

No comments:

Post a Comment