Wednesday, September 7, 2022

UMANI NG SUPORTA SA KAMARA ANG IATF SA PAGLULUWAG NITO SA POLISIYA SA PAGSUSUOT NG FACEMASK

Dalawang party-list solon ang nagpahayag ng suporta sa rekomendasyon ng IATF na luwagan na ang polisiya sa pagsusuot ng facemask.


Ayon kay Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, “better late than never” ang rekomendasyon ng IATF na pahintulutan ang hindi pagsusuot ng face mask sa oudoor areas.


Aniya, marami nang hindi na nagsusuot ng face mask dahil hindi na praktikal para sa kanilang sitwasyon, tulad ng mga bakunado at boosted, at mga nagtatrabaho sa labas gaya ng mga nagtitinda sa kalsada. 


Umaasa naman si Herrera na irekomenda na rin ng IATF na gawing voluntary ang pagsusuot ng face mask para sa indoor areas.


Welcome din para kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos hindi na pagsusuot ng face mask ng mga low-risk individuals sa outdoor, non-crowded at well ventilated areas.


Suportado ng kinatawan ang polisiya basta’t mananatili aniya ang pagsunod ng iba pang health protocol tulad ng social distancing, indoor wearing ng face mask at pagpapataas ng vaccination rate lalo at nananatili pa rin ang banta ng virus.


Kailangan naman aniyang ayusin ng mga otoridad at ipaliwanag sa publiko ang panuntunan upang hindi magkaroon ng kalituhan.


Ang mga senior citizen at immune-compromised individuals kasi ay hinihimok pa rin na magsuot ng face mask kahit sa ourdoor areas.


Una naman nang sinabi ni Health OIC Sec Maria Rosario Vergeire na ang rekomendasyong ito ay ipe-presenta pa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kanyang pag-apruba.

No comments:

Post a Comment