Pinasisilip ng isang kongresista sa Kamara ang naglipanang text scams na nambibiktima ng maraming Pilipino.
Sa house resolution 323 ni Laguna Rep. Maria Jamina Katherine Agarao, hinihimok ang angkop na komite sa Mababang Kapulungan na magsagawa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa mga text scams na nag-aalok ng pekeng trabaho at investment.
Tinukoy pa sa resolusyon na maliban sa mga pekeng trabaho at investment, ginagamit di nang text messaging upang manloko na nanalo ang isang indibidwal sa raffle o kaya’y may nagpapanggap na kamag-anak na nagpalit ng numero gayundin ang load scam.
Diin ni Agarao, nakaka-alarma ang pagdami ng text scams na ito at nararapat lamang na hanapan ng solusyon.
Sa pagtalakay ng Kamara nitong Lunes sa SIM Card registration bill ay, inilapit ng mga mambabatas sa national privacy commission ang isyu ng “personalized spam text messages” o mga mensahe na ngayon ay mayroon nang nakalagay na pangalan ng mobile users.
No comments:
Post a Comment