Wednesday, September 7, 2022

MULING PAGBUBUKAS NG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, HINIMOK NG MAMBABATAS

Sa kanyang privilege speech ngayong Miyerkules, nanawagan si House Special Committee on Nuclear Energy Chairperson Rep. Mark Cojuangco (2nd District, Pangasinan), sa mga mambabatas para sa muling pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), sa kabila ng nararanasang pandaigdigang krisis sa enerhiya. Sinabi niya ito upang bigyang-diin ang napakahalagang potensyal na maibabahagi ng BNPP, para tugunan ang napakamahal at mababang suplay ng kuryente sa bansa. Ayon kay Cojuangco, napatunayan na na ang enerhiyang nukleyar bilang pinaka matatag, at binanggit ang pagpapalawig ng operasyon ng Diablo Canyon Power Plant in California, sa Estados Unidos, na kamakailan lamang ay nakatakda nang magsara sa 2025. Ang operasyon nito ay pinalawig pa, matapos itong magsilbi bilang lunas sa hindi maaasahan at salungat na suplay ng enerhiya mula sa hangin at araw (wind/solar). Gayundin, ipinunto niya na ang halaga ng kuryente sa Lungsod ng Dagupan, kamakailan lamang ay lumobo sa P24 kada kilowatt hour (kwh), at maaari pang tumaas sa P30 kada kwh, kapag ang halaga ng uling ay patuloy na tataas. Ipinahayag ni Cojuangco na ito na ang pinakamagandang opportunidad upang humanap ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya, upang matiyak ang suplay para sa sa lumalagong konsumo at ekonomiya ng bansa. "Let's push for BNPP to be finally commissioned so that it can deliver the cheap and clean, yet reliable electricity it has always meant to deliver," aniya. Binanggit ni Cojuangco na maaari ring isulong ng Kongreso ang libre o murang kuryente sa mga lugar na may nuclear power plant, upang isulong ang kanilang mga operasyon, at mag-alok ng mapagkakatiwalaang enerhiya sa mga Pilipino sa abot-kayang halaga. Inanyayahan niya ang kanyang mga kapwa mambabatas na silipin kung ano ang nagawa ng lehislatura ng Estado ng California para sa kanilang mga mamamayan. “They listened to science, they listened to facts and the historical record, they listened to their people’s cry and chose to do what is right, to continue the operation of the nuclear plant that will provide stable and reliable energy supply to their state. And in doing so, ease the current economic burden on the people,” aniya. Ang hybrid na sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan and Camille Villar.

No comments:

Post a Comment