Inilarawan ngayong Huwebes ni Speaker Martin G. Romualdez bilang ‘lubos na masagana‘ ang katatapos na opisyal na pagdalaw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa Indonesia at Singapore, na ayon sa kanya ay nakapagdala ng pamuhunan na nagkakahalaga ng mahigit sa $15-bilyon para sa Pilipinas.
“I congratulate the President and all Cabinet Members who joined his official delegation for a job well done. The four-day trip turned out to be highly successful and very productive not only in strengthening our bilateral ties with our neighbor-countries but also in attracting much-needed investments for our people,” ani Romualdez.
Sa bansang Singapore pa lamang, nakipagkita sa Pangulo at ng kanyang delegasyon ang mga lokal na pinuno ng mga negosyante, at nangako na sila ay mamumuhunan sa mga negosyo na nagkakahalaga ng kabuuang USD 6.54-bilyon na foreign direct investments sa Pilipinas.
Ang pamuhunan mula sa Singapore, na katumbas ng PHP 374.57-bilyon, ay inaasahang makakalikha ng trabaho para sa tinatayang 15,000 na manggagawang Pilipino.
Lumagda ng Letters of Intent para mamuhunan sa Pilipinas ang mga pinuno ng mga negosyante sa Singapore, sa idinaos na Singapore Business Round Table Meeting noong ika-7 ng Setyembre, upang magpahayag ng interes sa mga sumusunod:
* Renewable Energy (floating solar) - USD 1.2 billion
* Blue Economy (Marine renewable energy, water production, desalination, electric boats, aquaculture) - USD 10 to 100 million
* Innovation Platform for Startups - USD 20 million
* Women in Tech - USD 20 million
* Data Center - USD 200 million
* Transportation (electronic tricycles) - USD 5 billion
“These investments mean thousands of new jobs for Filipinos here. Singapore officials also assured the Filipino delegation that their country is ready to roll out close to 10,000 new job orders for Filipino workers in Singapore,” ani Romualdez.
Sa bansang Indonesia, matagumpay na natapos ang pagbisita ni Pangulong Marcos noong ika-6 ng Setyembre nang may $8.48-bilyong halaga ng pamuhunan, at pangakong coal at fertilizer suplay mula sa mga lokal na negosyante.
Ang mga nilagdaang MOUs at letters of intent sa idinaos na Jakarta Business Roundtable Meeting noong ika-5 ng Setyembre 2022, ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
*USD 822 million in investments in textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, and agri-food
* USD 7 billion in infrastructure for unsolicited private-public partnerships such as a C-5 4-level elevated expressway
* USD 662 million in trade value for a supply of coal and fertilizer.
Ang mga pamuhunan mula sa Indonesia ay inaasahang makakalikha ng tinatayang 7,000 bagong trabaho sa Pilipinas.
“Overall, it’s been a highly successful, very fruitful trip. Aside from the investment pledges, there have been several mutually beneficial agreements on bilateral economic, defense, cultural, and labor and employment cooperation with the host countries,” ani Romualdez
“Thanks to the President, the Philippines is back on the map for investments and may soon fulfill its goal as Asia’s fastest rising star,” dagdag pa niya. #
No comments:
Post a Comment