Wednesday, September 7, 2022

MULING PAGGAMIT NG NUCLEAR POWER PARA BUMABA ANG PRESYO NG KURYENTE, SUPORTADO NG DOST

Suportado ng Department of Science and Technology (DOST) ang planong paggamit muli ng nuclear power bilang tugon sa iba pang pangangailangan ng bansa lalo na ang kinakaharap na mataas na presyo ng kuryente.


Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, bukas ang kanilang ahensiya para sa isang science-based technology na makakatulong sa pag resolba sa mga kinakaharap na hamon ng bansa.


Aminado si Solidum na kanila din kinukunsidera ang paggamit ng nuclear energy para sa kanilang energy mix.

Binigyang-diin ng kalihim, sakaling matuloy ang planong paggamit ng nuclear energy ng bansa, susuportahan ito ng DOST.


Ang Philippine Nuclear Reseach Institute (PNRI) na siyang in-charged sa promotion ng nuclear energy para sa ibat-ibang paggamit nito gaya sa gamot, agriculture industry at power.


Aniya, kailangan pa rin bumuo ng isang hiwalay na regulatory agency na tututok sa nuclear energy operation.


Samantala, ipinagmalaki naman ni Secretary Solidum sa larangan ng disaster climate and resilience, nakatutok sila ngayon sa digitalization transformation program sa pagbuo ng aplikasyon kung saan masusuri ang isang bahay saan man ito sa bansa ang lahat ng mga panganib nang sabay-sabay sa loob ng wala pang isang minuto.


Sinabi ni Solidum, kanilang ilulunsad ang automated na pagpa- plano para sa LGUs kaya magiging advance ang Pilipinas sa ganitong aspeto.

Tuloy din ang kanilang programa para sa kalusugan ang 'Tuklas Lunas" na mga gamot.


Para sa sektor naman ng agrikultura patuloy ang ginagawa nilang research para makabuo ng mga bagong teknolohiya para makatulong sa mga local farmers.


May programa din ang DOST na naglalayon lutasin ang problema sa industriya ng bakal.

No comments:

Post a Comment