Ilang programa ng DSWD ang nanangangailangan ng dagdag na pondo para sa 2023.
Sa presentasyon ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ng kanilang proposed budget para sa susunod na taon, tinukoy nito ang Social Pesion for indigent senior citizen, centenarian program at supplementary feeding program na kabilang sa kanilang tier 2 o “wish list”
Aniya, kailanga ng dagdag na P25.78 billion na pondo sa social pension matapos maisabatas ang pension increase sa mga senior citizen mula P500 patungong P1000.
P66.2 billion naman ang apelang dagdag para sa pagpapatupad ng centenarians act para sa 662 waitlisted centenarians na gagawaran ng P100,000 oras na sumapit sa kanilang ika-100 kaarawan.
Kasama rin sa tier 2 ang P2.56 billion para sa supplementary feeding program dahil sa pagtaas sa presyo ng hot meals at gatas.
Para sa 2023, P196.775 billion ang kabuuang panukalang pondo ng DSWD at attached agencies nito.
No comments:
Post a Comment