Tuesday, September 6, 2022

POSIBLENG ANG DAHILAN NG PAGKALAT NG MGA TEXT SCAM AY ANG DATA BREACH SA CONTACT TRACING APPS

Posibleng data breach mula sa mga contact tracing app, dahilan ng pagkalat ng mga personal text scams


Dahil iba-iba ang app at database ng IATF noong kasagsagan ng contact tracing…malamang nagagamit ito ngayon sa mga kumalat na personal text scams.


Ayon kay Congressman Joey Salceda, naging careless o pabaya umano ang IATF sa pag-iingat ng impormasyon kung saan ang ginamit sana ay single contact tracing app na may single database.


Ipinaliwanag ni Salceda, ipinag-utos ng Department of Health ang contact tracing noong March 2020 pero ang privacy guidelines ay inilabas pagsapit na ng June 2020.


Sa loob anya ng tatlong buwan, hindi naprotektahan ang mga personal data na ngayon ay magagamit na sa mga text scam kung saan identified ang pangalan ng padadalhan ng mensahe.


Sabi ni Salceda, posibleng ito ay mula sa mga contact tracing information na sinasagutan kapag papasok sa mga establisimento gaya ng mga grocery at bangko.


Katuwiran ni Salceda, naiwasan sana ang data breach kung iisa lang ang controller at clearinghouse ng data kung saan pwedeng magsagawa ng audit.


Kinalampag ni Salceda ang National Privacy Commission at National Telecommunications Commission na agad ng makipag-ugnayan sa mga telco para ma-detect ang pinagmumulan ng personal text scams at alamin ang source ng data breach. Milks/06sept22



Posibleng data breach mula sa mga contact tracing app, dahilan ng pagkalat ng mga personal text scams…



Dahil iba-iba ang app at database ng IATF noong kasagsagan ng contact tracing…malamang nagagamit ito ngayon sa mga kumalat na personal text scams.


Ayon kay Congressman Joey Salceda, naging careless o pabaya umano ang IATF sa pag-iingat ng impormasyon kung saan ang ginamit sana ay single contact tracing app na may single database.


Ipinaliwanag ni Salceda, ipinag-utos ng Department of Health ang contact tracing noong March 2020 pero ang privacy guidelines ay inilabas pagsapit na ng June 2020.


Sa loob anya ng tatlong buwan, hindi naprotektahan ang mga personal data na ngayon ay magagamit na sa mga text scam kung saan identified ang pangalan ng padadalhan ng mensahe.


Sabi ni Salceda, posibleng ito ay mula sa mga contact tracing information na sinasagutan kapag papasok sa mga establisimento gaya ng mga grocery at bangko.


Katuwiran ni Salceda, naiwasan sana ang data breach kung iisa lang ang controller at clearinghouse ng data kung saan pwedeng magsagawa ng audit.


Kinalampag ni Salceda ang National Privacy Commission at National Telecommunications Commission na agad ng makipag-ugnayan sa mga telco para ma-detect ang pinagmumulan ng personal text scams at alamin ang source ng data breach.

No comments:

Post a Comment