Tuesday, September 6, 2022

TULONG SA INDUSTRIYA NG BABOY AT MANOK SA BANSA, ISINUSULONG NI REP. ENVERGA

Isinusulong ni House Committee on Agriculture and Food chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ang pagbuo ng tinatawag na “Swine and Poultry Competitiveness Enhancement Fund” o SPCEF bilang tulong sa industriya ng baboy at manok sa ating bansa. 


Sa kanyang House Bill 3570 --- ipinunto ni Enverga ang kahalagahan na magkaroon ng “dedicated fund” sa naturang industriya sa gitna ng pagsulpot ng iba’t ibang sakit at outbreaks sa hanay ng mga baboy at manok. 


Halimbawa rito ang African Swine Fever o ASF, Bird Flu at iba pa, na nagtutulak sa pamahalaan ng mag-import ng mga produktong manok at baboy upang maka-agapay sa lokal na supply at maagapan daw ang pagtaas sa presyo sa merkado. 


Gayunman, sinabi ni Enverga na ang “importation regime” na ito ng gobyerno ay nakaka-apekto sa naghihingalo nang lokal na industrya. 


Kaya para matulungan ang mga magbababoy at magmamanok sa bansa, naniniwala si Enverga na panahon nang magkaroon ng SPCEF na ilalaan sa mga programa, proyekto, aktibidad at subsidiya para sa nabanggit na industriya at mapalakas sila upang makamit ang “food security” na siyang pangunahing hangarin ng pamahalaan. 


Aamyendahan naman ng panukala ang Republic Act 8178 o Agricultural Tariffication Act para maisingit ang SPCEF, na ang pondo ay magmumula sa taripang makokolekta mula sa importasyon ng mga karne ng baboy at manok. 


Ang Department of Agricuture ang mangangasiwa sa SPCEF, sa oras na maging ganap na batas ang panukala.

No comments:

Post a Comment