Wednesday, September 7, 2022

MGA PANUKALANG MAY KINALAMAN SA PAGBUBUWIS, SUMALANG SA PLENARYO NG KAMARA

Sumalang na sa plenaryo ang apat na panukalang batas na may kinalaman sa pagbubuwis.


Una dito ang House Bill 4339 o Passive Income Financial Intermediation Tax Bill o PIFITA.


Sa ilalim ng package 4 sa Comprehensive Tax Reform gagawin nang mas simple ang pagbubuwis para maging madali ang pagkolekta ng gobyerno dito.


Bahagi nito ang pagkakaroon ng unified tax rate na 15 percent para sa royalties and interests, dividends at capital gains.


Mula naman 0.6 percent ay ibababa sa 0.1 percent ang stock transaction tax upang mahimok ang equity capital market investment 


Inalis na rin ang exemption sa excise tax ng mga pick-up truck at ang P30 na documentary stamp tax para sa ilang dokumento tulad ng NBI Clearance, Birth Certificate, at diploma.


Nasa plenaryo na rin ang HB 4102 o panukalang magpapataw ng 20 pesos na excise tax sa kada kilo ng single use plastic bags at House Bill 4122 o Digital Service Tax kung saan papatawan ng 12% Value Added Tax o VAT sa non-resident digital service providers sa bansa tulad ng Netflix, Spotify, Lazada at iba pang online service providers.


Exempted naman dito ang educational services na karaniwang ginagamit ng mga  institution na accredited ng department of education, commission on higher education at technical education and skills development authority.


Pang-huli ay ang House Bill 4125 o Ease of Paying Taxes Bill na layong i-modernisa ang pagbabayad ng buwis at filing ng tax returns para sa mga maliliit na taxpayers.

No comments:

Post a Comment