Wednesday, September 7, 2022

BILANG NG PROFESSIONAL LICENSURE SA SUSUNOD NA TAON, HAHABULING TUMAAS NG DOLE

Target ng Dept of Labor na habulin ang bilang ng isinasagawang professional licensure exams sa susunod na taon


Sa budget presentation ng ahensya sa Kamara, sinabi ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na ang taong 2023 ay magiging catch up year para sa iba’t ibang licensure exams.


Dahil aniya sa pagtama ng COVID-19 pandemic at ipinatupad na restrictions, kinailangan ipagpaliban ang ilan sa licensure exams.


Kaya sa susunod na taon ay pipilitin aniya nil ana habulin ang bilang ng licensed professionals na kanilang itinakda noong nakaraang taon.


Sa datos ng DOLE, mula 61 at 51 na pagsusulit na idinaos ay itataas ito sa 84 exams o katumbas ng 629, 370 examinees na kukuha ng exam.


Nasa 1.009 million prefessionals naman ang kanilang target na maisailalim sa continuing professional development mula sa dating 800,000 at 600,000 higit noong 2021 at 2022.


Targete din ng ahensya na maisailalm sa Maritime Training at Skills Competencies ang nasa 10,000 marino.

No comments:

Post a Comment