Tuesday, September 6, 2022

PAGLULUWAG NG POLISIYA SA PAGSUSUOT NG FACE MASK, DAPAT PAG-ARALAN NA NG MGA HEALTH AUTHORITIES

Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga health authorities na aralin na ang pagluwag sa polisiya ng pagsusuot ng face masks.


Kasunod ito ng pagsuporta ng kinatawan sa hakbang ng cebu city government na ipahinto na ang obligatory na pagsusuot ng facemask sa open areas.


Ayon kay Villafuerte maaaring makahanap ng kompromiso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask.


Mungkahi nito, ipatupad lamang ang mandatory na pagsusuot ng facemask sa Metro Manila at mga lugar na may mataas pa ring kaso ng COVID-19 at hayaan nang i-lift o gawing boluntaryo ang pagsusuot sa mga lugar na may mababa nang case loads.


Maaari din aniya na ipasuot na lamang ang face masks sa indoor areas lalo na kung may air conditioning, transportasyon, at high-risk areas tulad ng ospital.


Isa pang suhestyon ng CamSur solon ay panatilihin ang mandatory na pagsusuot ng face mask para sa mga nakatatanda, buntis at may comorbidity.


Dagdag pa nito na kung magedesisyon ang mga otoridad na panatilihin ang obligatory use ng face mask ay mamigay ng libreng face mask para sa mga mahihirap.


Punto nito, naglalaro sa P3 hanggang P5 ang isang face mask, kautmbas ng P25 para sa isang pamilya na may limang miyembro. Halaga na maaari na aniyang ipambili ng bigas para makain.

No comments:

Post a Comment