Tuesday, September 6, 2022

1.3 MILYONG HOUSEHOLD 4Ps BENEFICIARIES, SASALAING MABUTI NG DSWD

Tiniyak ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa mga mambabatas na sasalaing mabuti ng ahensya ang nasa 1.3 million household 4Ps beneficiaries na napipintong matanggal sa programa.


Ayon sa kalihim, batid niya na may alinalangan ang mga mambabatas at mismong benepisyaryo nang kanilang i-anunsyo ang posibleng delisting dahil sa hindi na maituturing na “poor” o mahirap.


Bunsod nito nakipag-pulong siya sa Samahan ng mga 4Ps beneficiaries at inalam kung ilan ba talaga ang maaari nang “grumaduate” sa programa.


Lumalabas aniya na 30% hanggang 40% muna ang hindi dapat alisin.


Bunsod nito, pinagsumite ni Tulfo ang naturang samahan ng listahan ng mga benepisyaryo na maaari nang alisin.


Ang listahan aniyang ito, ibabangga sa kanilang Listahanan 3, Municipal Link at 4Ps list.


Kung ang benepisyaryo ay lalabas sa apat na listahan na ito ay saka lamang sila aalisin.


Pagtitiyak pa ng kalihim na maalis man sa 4Ps program ay may iba pang programa ng DSWD tulad ng sustainable livelihood program at AICS.


Batay naman sa tala ng ahensya, hanggang nitong September 5, 2022--- 187, 613 household beneficiaries nag opisyal na na-delist sa 4Ps.

No comments:

Post a Comment