Nagsagawa ngayong Huwebes ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ng Eukaristikong Pagdiriwang para sa Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary.
Pinangunahan ni Reverend Father Roland Jaluag, Parish Priest of Jesus Lord of Divine Mercy Parish ng Diocese of Novaliches ang Eukaristikong Pagdiriwang na ginanap sa Saint Thomas More Chapel sa Batasan Complex.
Sa kanyang homiliya, sinabi ni Fr. Jaluag na habang ipinagdiriwang ngayon ng mga mananampalataya ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, may tatlo pang bagay na kanilang ipinagdiriwang.
Una, ipinagdiriwang din nila ang paghahayag, ang paglalahad ng pinakamamahal, pinakamaawain, at pinakamapagpatawad na Diyos Ama.
Pangalawa, ipinagdiriwang din nila ang layunin ng kanilang buhay, at iyon ay ang yakapin ng nagliligtas na pag-ibig ni Jesus.
At pangatlo, ipinagdiriwang din nila ang kagalakan ng lahat ng mga ina, lalo na ni Mother Mary. “She celebrates her life not for herself but for her children. So, we remind ourselves to celebrate endless hope for our freedom from oppression, sins, and selfishness,” ani Fr. Jaluag.
Kabilang sa mga isponsor ng banal na misa ay sina Reps Rosanna “Ria” Vergara (Nueva Ecija), Florida “Rida” Robes (San Jose del Monte City), Ysabel “Bel” Zamora, (San Juan Cit), Aman Panaligan (Oriental Mindoro), at Michael Morden (Party-list, API).
No comments:
Post a Comment