Wednesday, September 7, 2022

REKOMENDASYON NG IATF SA DOH HINGGIL SA POLISIYA TUNGKOL SA FACE MASK NAKATAKDANG IPRESENTA KAY PBBM

Nakatakdang ipresinta ng DOH kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng IATF kaugnay sa polisiya ng pagsusuot ng mask sa cabinet meeting sa Huwebes.


Sa pagharap ng DOH sa organizational meeting ng House Committee on Health kinumpirma ni Health OIC Sec. Maria Rosario Vergeire na nag-convene ang IATF kamakailan upang pag-pulungan ang usapin ng mask mandates, gayundin ang pagluwag sa COVID-19 restrictions.


Sa naturang pulong ng ibinahagi ng mga eksperto, DOH, DOT at iba pang sektor ang iba’t ibang karanasan ng ibang mga bansa kaugnay sa mask mandates. 


Tinukoy naman ni Vergeire, na tanging ang panuntunan sa pagsusuot ng face mask sa outdoor areas pa lamang ang kanilang napag-usapan.


Nasa kamay naman na ng Pangulong Marcos Jr., ang desisyon kung aaprubahan ang rekomendasyon o hindi.

No comments:

Post a Comment