Tuesday, September 6, 2022

PCCI, DUMULOG SA KAMARA KAUGNAY SA MGA KASO NG KIDNAPPING SA BANSA

Dumulog ang Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry o PCCI sa Kamara maging sa Philippine National Police o PNP kaugnay sa mga kaso ng kidnapping sa bansa.


Sa isang pulong balitaan ng House Minority Bloc, sinabi ni PCCI president Lugene Ang na sa nakalipas na 10 araw ay mayroon umanong nasa 56 na kaso ng kidnapping.


Ang sitwasyong ito ay nagdudulot na aniya ng takot sa Filipino-Chinese community.


Pero hindi lamang mga Fil-Chi ang biktima ng kidnapping, kundi pati mga purong Pilipino at mga bata.


Kaya naman apela ng kanilang grupo sa Kongeso at PNP, magkaroon ng mas aktibong papel at agarang kumilos upang mapigilan ang anumang tangka o pagdami pa ng mga kaso pagdukot ng mga kriminal o sindikato.


Hirit pa ng PCCI, dapat ay walang piyansa laban sa mga suspek sa kidnapping.


Sa huli, sinabi ng PCCI na sana’y maibalik ang “peace and order” sa mga komunidad, upang matiyak ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.


Samantala, sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration Jose Chiquito Malayo na batay sa kanilang pagbabantay ay nasa 4 na insidente ng abductions ang kanilang naitala.


Isa rito ay POGO-related habang ang tatlo ay regular na kidnapping incidents. Mga dayuhan aniya ang suspek, partikular dito ay mga Chinese.


Sa kabila nito, nakipag-ugnayan umano siya sa NCRPO na nagsabing maayos pa naman ang sitwsyon sa Kalakhang Maynila, habang ang Manila Police District o MPD ay may ugnayan na sa Filipino-Chinese community sa lungsod, gaya sa Binondo.

No comments:

Post a Comment