Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOH na mag-bigay insentibo sa mga local government unit upang mapalakas pa ang kanilang vaccination drive.
Sa unang pulong ng House Committee on Health, sinabi DOH OIC Sec. Maria Rosario Vergeire na nasa 23 million ang kanilang tinarget mula sa kabuuang 40 million booster eligible population para sa unang 100 araw ng Marcos administration.
Ngunit sa nakalipas aniya na dalawang buwan 26,590 o 2.48% lamang ang kanilang accomplishment para sa senior citizen at 9.58 percent ng 23 million booster eligible seniors ang nabakunahan ng first booster shot.
Kaya nang iprisinta ang datos sa Pangulo, hinimok nito na magbigay insentibo sa mga LGU para lalo pang mahimok ang kanilang constituents na magpabakuna.
Sa ngayon, lumiham na aniya sila sa DBM para sa realignment ng budget para sa naturang insentibo.
Dagdag pa ni Vergeire na sa September 26 hanggang September 30 ang ikakasa nila ang PinasLakas vaccination program na ang target ay mga senior citizen at mga wala pang first booster dose.
No comments:
Post a Comment