Tuesday, September 6, 2022

SAPILITANG REHISTRASYON NG SIM CARD, INAPRUBAHAN NG KOMITE SA KAPULUNGAN

Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Information and Communications Technology sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang pinagsama-samang panukala na nag-uutos ng sapiltang rehistrasyon sa lahat ng postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards.


Inaprubahan ng Komite na pinamumunuan ni Navotas Rep. Toby M. Tiangco ang ilang panukala sa ilalim ng House Bill (HB) Nos. 14, 59, 116, 506, 794, 841, 951, 1528, 2113, 2478, 2819, 2923, 3299 at 3327 na inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, Representatives Yedda Marie Romualdez (Tingog Party-list), Sandro Marcos, Jude Acidre, Jaime Fresnedi, Roy Loyola, Edvic Yap, Eric Go Yap, Paolo Duterte, Rex Gatchalian, Christian Tell Yap, Roman Romulo, Luis Raymund Villafuerte, Jr., Miguel Luis

Villafuerte, Virgilio Lacson, Keith Micah Tan, Tiangco, Rufus Rodriguez and Edwin Olivarez, ayon sa pagkakasunod, ang sapilitang rehistrasyon ng SIM card upang masugpo ang mga pangloloko at mga kriminal na aktibidad.


“The mother bill is HB No. 14 filed by Speaker Martin Romualdez, the exact version approved in the last Congress,” ani Tiangco, na nanguna sa pag-apruba sa pinagsama-samang panukala.


Ang pinagsama-samang panukala ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong nakalipas na ika-18 Kongreso.


Si Deputy Speaker and Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang nag-mosyon upang pagsama-samahin ang mga panukala sa rehistrasyon ng SIM card.


Ipinakiusap naman ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang Rule 10, Section 48 sa kagyat na pag-apruba sa pinagsama-samang panukala, na nagbibigay pahintulot sa mga Komite sa Kapulungan ng mga Kinatwan, na tapusin ang mga prayoridad na panukala na naihain at naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa sinundang Kongreso.


Isinasaad sa Rule 10 na: “In case of bills or resolutions that are identified as priority measures of the House, which were previously filed in the immediately preceding Congress and have already been approved on third reading, the same may be disposed of as matters already reported upon the approval of the members of the committee present, there being a quorum.”


Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Acidre na ang mga wala sa regulasyon na merkado ng SIM card ang nasa likod ng ibat ibang panloloko sa mobile phone, mula sa simpleng text messages na humihingi ng cellular loads, hanggang sa mas sopistikadong pamamaraan ng voice phishing at marketing spams, na kadalasang ginagamit upang makapasok sa mga hindi otorisadong pag-akses sa mga sensitibong personal na impormasyon ng mga hindi naghihinalang gumagamit ng mobile phones.


“This humble representation is cognizant of the value of democratizing mobile communication to the public. The increase in connectivity through affordable SIM Cards and mobile phones has made government service delivery more efficient and possible in the far flung areas of the country. However, we are also conscious of the fact that the accessibility of SIM Cards has encouraged unscrupulous actors to take advantage and use this in the commission of criminal acts,” ani Acidre, isa sa mga pangunahing may-akda ng HB No. 14.


“With this in mind, Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Congresswoman Yedda Romualdez, Ferdinand Alexander Marcos and myself are pleased to introduce HB No. 14 or An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module Cards.  This proposed bill shall require ownership registration of Subscriber Identity Module (SIM) cards to eradicate mobile phone-aided criminal activities. Moreover, it shall regulate the sale and distribution of SIM cards in order to promote end-user accountability, prevent the proliferation of mobile phone scams and data breaches, and to assist law enforcement agencies in resolving crimes involving the use of mobile phone units, within the limits imposed by data privacy laws and regulations. It is in this spirit that I ask my fellow members of this chamber to work with me in securing the immediate passage of this bill,” ani Acidre.


Sa kasalukuyan, ang mga SIM cards para sa postpaid mobile o cellular phone subskripsyon lamang ang sapilitang nirerehistro.


Nilalayon ng panukala na sapilitang irehistro ang pag-aari ng SIM cards, upang masugpo ang kriminal na aktibidad gamit ang mobile phone.


Sinabi nina Speaker Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, Marcos at Acidre na ang kakayahan at madaling ma-akses na SIM cards ay, “have resulted in the democratization of mobile communications, possibly contributing to a more leveled playing field in terms of employment, education and access to public information.”


Ang mobile phone card ay mabibili lamang sa halagang P30 sa mga sari-sari o convenience store.


Kanilang binanggit ang ulat sa 2020 World Bank na nagpapakita na may 137 cellular phone subskripsyon kada 100 Pilipino, na nagpapahiwatig na maraming Pilipino ang may mahigit sa isang subskripsyon o mobile phone.


Binanggit rin na ang mga cellular phone service providers ay nakapag block ng milyong text messages at SIM cards dahil sa mga reklamo mula sa mga subscribers. Subalit kahit pa nagawa ng mga kompanyang ito na tanggalan ng silbi ang mga numerong ito, ay patuloy pa ring mabilis na napapalitan ito dahil nagkalat sa merkado ang mga prepaid mobile phone subscriptions.


“Furthermore, due to the lack of SIM card registration, it becomes nearly impossible to trace the persons behind the text scams and hold them accountable for fraud, breach of data privacy or other punishable offenses that they committed using an unknown mobile number,” dagdag pa rito.


Binigyang-diin rito na panahon na, “has come to regulate the sale and distribution of SIM cards in order to promote end-user accountability, prevent the proliferation of mobile phone scams and data breaches, and to assist law enforcement agencies in resolving crimes involving the use of mobile phone units.”


Sa ilalim ng panukalang HB No. 14, ang bawat pampublikong telecommunications entity (PTE) o authorized seller ay kinakailangang irehistro, at lagdaan ng end user ang tatlong kopya ang may numerong rehistrasyon na inisyu ng PTE.


Ang form ay dapat na kinabibilangan ng patunay na ang taong bumibili sa nagbebenta ay siya ring taong nagrehistro at lumagda sa dokumento, at siya ay nagpakita ng mga identification cards na may bisa.


Ang PTE o ang kanilang otorisadong tagapagbenta ay hindi dapat magbenta ng SIM card kung ayaw ng end user na tumalima na magrehistro, na sumasaklaw din sa mga dayuhan.


Ang form ay dapat din na naglalaman ng pangalan ng subscriber, petsa ng kapanganakan, kasarian, ang kanyang tinitirhan na siyang makikita rin sa kanyang valid ID na may larawan, at ang numero ng mobile number at serial number.


Anumang impormasyon na nakasaad sa dokumento ng rehistrasyon ay ituturing na ganap na lihim, maliban na lamang kung ipinahintulot ito na nakasulat, ng subscriber.


Ngunit ang mga impormasyon ay maaaring ihayag sa utos ng hukuman o nakasulat na kahilingan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, na may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon ng isang labag sa batas na paggamit ng mobile number.


Irerehistro rin dapat ang SIM cards na ibinenta o inisyu bago ang pagiging epektibo ng panukalang SIM Card Registration Act. 


Ang mga PTE ay kailangang magmantine ng mga talaan ng lahat ng mga subscribers at numero ng kanilang SIM cards. Isusumite nila ang talaan ng kanilang mga otorisadong tagapagbenta/ahente sa National Telecommunications Commission.


May kaakibat na kaparusahan ang Bill No. 14.


Kapag ang paglabag ay nagawa ng isang PTE, ang pangulo at mga responsableng opisyal ang siyang mananagot, at pagmumultahin ng aabot sa halagang P300,000 para sa unang paglabag, halagang P500,000 para sa pangalawang paglabag, at aabot sa halagang P1-milyon para sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.


Kapag ang lumabag ay ang otorisadong tagapagbenta, ang kanyang operasyon ay sususpindihin at pagmumultahin ng halagang mula P5,000 hanggang P50,000.


Kapag ang lumabag naman ay isang opisyal o kawani ng ahensyang nagpapatupad na ahensya, ay tatanggalin siya sa trabaho at pagmumultahin, maliban pa sa paghahain ng karampatang kriminal na kaso at kasong administratibo.

No comments:

Post a Comment