Target ng Department of Science and Technology o DOST at iba pang ahensya ang 2 hanggang 3 beses kada linggo na distribusyon ng “Nutribun” sa mga batang estudyante sa buong bansa.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang pondo ng DOST para sa susunod na taon, humingi ng update si Rep. Mohamad Khalid Dimaporo hinggil sa “school feeding program” sa bansa lalo’t balik face to face classes na, at ang pagbabalik ng Nutribun.
Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum, nabigyan na ng lisensya ang nasa 180 na variant producers ng kalabasa, habang 136 naman para sa carrots, at 94 para sa kamote.
Sinabi ng kalihim na ito ang “dependent” sa interes ng mga bakery, at kung papaano ili-link ang mga ito sa mga paaralan upang magkaroon sila ng kita.
Tiniyak naman ng DOST na sila ang maglalaan ng teknolohiya at guidelines.
Ayon naman kay Dra. Imelda Angeles-Agdepa, direktor ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI-DOST, nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap na sila sa Department of Education o Deped, Department of Social Welfare and Development o DSWD at National Nutrition Council o NNC para sa paggamit at pagpapakain ng Nutribun.
Isinama na rin aniya ito sa school feeding program guidelines ng Deped.
At ang pakay aniya ay mamamahagi sa school kids sa buong bansa ng Nutribun sa “2 to 3 times a week frequency.”
No comments:
Post a Comment