Nagdaos ngayong Lunes ng unang pagpupulong ang Komite ng Welfare of Children sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni BHW Rep. Angelica Natasha Co, at inaprubahan ang Mga Panuntunan ng Pamamaraan ng Komite.
Sinabi ni Co sa kanyang pambungad na pahayag na ang araw na ito ang takdang araw na sila, bilang mga mambabatas, ay natutong tumingin sa mga mata ng mga bata, at inalam, pati na rin ang maranasan kung ano ang mundo para sa kanila. Ipinahayag niya na tutukuyin nila ang pinakasanhi at patuloy na magiging sanhi ng mahirap na kalagayan, na humantong sa malubhang paglabag at hindi pagtupad sa mga protektadong karapatan ng mga bata sa ilalim ng Saligang Batas.
Noong ika-18 Kongreso sa ilalim ng pamunununo ni Chairperson Yedda Marie Romualdez, sinabi ni Co na isinulong ng Komite ang pagpapatibay ng mga panukala na nilalayong maiwasan ang karahasan at pagbabanta sa mga bata, gayundin ang mga pagkakataon para sa kanilang paglaki at pag-unlad.
Nilayon din ng mga panukala na isulong ang pangkalahatang kapakanan at pinakamabuting interes ng mga bata, protektahan ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga batas, at gawing institusyonal ang mga programa sa proteksyong panlipunan, gayundin palakasin ang pagiging inklusibo sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga bata na lumahok hindi lamang sa proseso ng lehislasyon, kungdi maging sa lahat ng bagay na nakakaapekto sa kanila.
“This categorization of bills established under the previous leadership remains our model for achieving the best interest of children.
The letters of the laws are stronghold, the committee is more emboldened to actively pursue efforts to realize a safe and secure environment for our children,” ani Co.
Samantala, nagbigay ng pangkalahatang-ideya hinggil sa kalagayan ng mga batang Pilipino si Undersecretary Angelo Tapales ng Council for the Welfare of Children, isang sangay na ahensya ng Department of Social Welfare and Development.
“Our marching order from Secretary Erwin Tulfo, of course we are an attached agency of the DSWD, is to be more relevant than it presently is, to reach more, to help more, not only children but also their families and persons having legal custody of them, to be able to be an instrument of change, with of course our partnership with the Committee on the Welfare of Children, our partner LGUs, NGOs, and other national government agencies,” ani Tapales.
Gaya ng nabanggit ni Chairperson Co, “Caring for children or furthering the rights of children is a public trust, which we jointly hold,” aniya.
No comments:
Post a Comment