Dahil na rin sa lumalaking panganib mula sa mga baha, tagtuyot, at iba pang mga natural na kalamidad dulot ng climate change, nanawagan si Bohol Rep. Edgar Chatto, Chairperson ng Komite ng Climate Change sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa kanyang mga kapwa mambabatas na, “this is the most appropriate time to ensure that the 19th Congress passes a climate change sensitive and responsive budget for the year 2023”.
Sa kanyang privilege speech sa idinaos na sesyon sa plenaryo ngayong Lunes, sinabi ni Chatto na kahit pa nananatiling ang pandemyang sanhi ng COVID-19 ang nangangailangan ng kagyat na pagtugon, dapat ding pagtuunan ng pansin ng Kongreso na matugunan ang climate change.
Ayon sa kanya, ang climate change ang siyang dahilan ng grabeng kaganapan sa panahon, tagtuyot, at kakulangan ng pagkain, na may madalian at malaking epekto sa mga tao at kalikasan.
Hindi makapaniwala si Chatto kung papaano ang mga tao ay pinagwawalang bahala pa rin ito, “with a business-as-usual attitude even though scientific studies show that its consequences will come much sooner than we expected.”
Sinabi niya na ang climate change ay hindi na banta sa hinaharap. “It is here and rapidly getting worse,” aniya.
Binanggit ni Chatto na batay sa Global Climate Risk Index 2021, ang Pilipinas ay nasa ika-17 pwesto sa pinakaapektadong bansa sa buong mundo, mula sa mga grabeng kaganapan sa panahon. Samantala, pang-apat na pwesto naman ito sa mahabaang banta dulot ng mga pagbaha at mga bagyo.
“It is for this reason that there is hope in the current administration’s governance direction.
His Excellency, President Ferdinand Marcos Jr.’s first ever State of the Nation Address (SONA) not only discussed in fleeting but dedicated a whole section on climate change as a priority agenda, a first in a SONA,” aniya.
Ang hybrid na sesyon ngayong araw ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar.
No comments:
Post a Comment