Humirit ang COMELEC sa mga kongresista na masuportahan sila sa planong pagpapatayo ng sariling building.
Sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa 5.22 billion pesos 2023 proposed budget ng poll body, umapela si COMELEC Chair George Garcia sa mga mambabatas na tulungan silang maisakatuparan ang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling gusali..
Ani Garcia, kada taon, inaabot ang renta nila sa mga gusali at open space sa Palacio del Gobernador ng hanggang 159 million pesos.
Hindi pa aniya kasama dito ang renta sa mga lugar para sa kanilang special events tulad ng filing ng certificates of canvass at pagbibilang ng boto.
Dagdag pa ng tagapangulo ng COMELEC, kung ang ibang constitutional bodies tulad ng COA, CSC, maging CHR ay may sariling mga opisina, marapat lamang na ang COMELEC ay mayroon din.
Tinukoy din ni Garcia na mayroon halos 3 ektaryang lupa ang COMELEC sa bahagi ng Macapagal Avenue at dito nila target ipatayo ang kanilagn magiging opisina.
Batay sa 2023 NEP, 500 million pesos ang inilaan bilang inisyal na pondo mula sa kabuulang 9.5 billin pesos na gagamitin pampatayo sa gusali ng COMELEC.
##
No comments:
Post a Comment