Matapos na mangako na kanilang ipapasa ang pambansang badyet sa takdang panahon, ay tinalakay ni Committee on Appropriations Senior Vice-Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ngayong Martes ang mga kasalukuyang kalagayan ng mga briefing sa mga Komite ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan.
Sinabi ni Quimbo sa pulong balitaan ng "Ugnayan sa Batasan News Majority Forum," na 14 sa 34 na ahensya ng pamahalaan ang nagbigay na ng briefing sa Kapulungan ng mga KInatawan, hinggil sa kani-kanilang panukalang badyet hanggang kahapon.
Ipinarating niya ang mensahe ni Committee on Appropriations Chairperson Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO BICOL), na ang Kapulungan ay nasa wastong landas upang ipasa ang General Appropriations Bill (GAB) sa ika-1 ng Oktubre 2022.
"According to Chairman Co, we can really see how the Appropriations Committee and all the Members of Congress are working hard to stick to the timeline without sacrificing the quality of the 2023 budget deliberations," aniya.
Binanggit rin ni Quimbo na ang mga pagtaas sa badyet, mga suliranin sa mga plano ng debolusyon, mga kakayahan ng ilang ahensya na tumanggap, at ang digitalisasyon ay ilan lamang sa mga usapin na madalas na tinatalakay sa budget briefings. Ipinaliwanag ni Quimbo na hindi pinahihintulutan sa Saligang Batas ang pagbabago sa panukalang badyet.
"Bagama't sinuportahan ito ng maraming Kongresista, hindi pa clearly identified ang mga programang pwedeng pagkunan ng budget increases.
Ayon sa Konstitusyon, hindi na pwedeng palitan ang budget ceiling na P5.268-trillion. Kaya kung tataasan ng isang budget item, ay kailangang bawasan ang isang budget item," aniya.
Sa usapin naman ng digitalisasyon, sinabi ni Quimbo na ang Kapulungan ay nananatiling naninindigan na mabilis na maipasa ang GAB, upang maisagawa nila ang kanilang kapangyarihan sa oversight.
"This way, we can ensure that agencies will not only use their respective budget per programs in alignment with the new administration's eight point economic agenda, but will also be genuinely felt by the Filipino people who would benefit from the programs," dagdag pa ni Quimbo.
No comments:
Post a Comment