Ipinanukala ni Agusan de Norte Rep. Dale Covera sa Kamara de Representantes ang pagtatatag ng isang repository agency o iisang ahensiyang imbakan na hahawak sa lahat na mga dangerous drug cases sa bansa.
Sinabi ni Corvera na nasaksihan niya ang discrepancy sa datus ng mga kaso hinggil sa mapanganib at ipinagbabawal na gamot o droga na inuulat ng Philipine National Police o PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Aniya, nagdudulot lamang ng malaking problema sa epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga drug operation sa bansa.
Hindi umano tumutugon ang mga maling datus na ito sa ipinatutupad na mga plano at programa ng pamahalaan sa pagsasawata ng illegal drugs na nagdudulot ng kasiraan sa lipunan.
Itinulak ni Corvera ang kanyang mungkahi sa isinagawang pagdinig ng Committe on Dangerous Drugs kamakailan.
No comments:
Post a Comment