Hindi dapat mabahala ang publiko sa halaga ng uutangin ng pamahalaan para punan ang 2023 proposed national budget gayundin ang pondo na inilaan para sa pambayad utang.
Ito ang ipinunto ni appropriations vice chair stella Quimbo sa isinagawang ugnayan forum.
Aniya ang 2.2 trillion na borrowings ng pamahalaan ay pasok pa sa range.
Batay sa NEP, kukunin sa 3.6 trillion projectedtax at non tax revenues ang pampondo sa 5.268 trillion proposed budget habang ang 2.2 trillino ay mula borrowings.
Hindi rin aniya dapat mag-aalala na 611 billion pesos ang inilaang pondo para sa debt service payment o pambayad utang .
Paliwanag ni Quimbo, 11 percent lamang ito ng kabuuang panukalang budget para sa susunod na taon.
Bagamat tumaas aniya ito hanggang 1 percentage point dahil sa mga inutang natin noong covid 19 pandemic ay pasok din aniya ito sa range.
Kasama sa mga babayarang utang sa debt service payment ang mga loans na pinasok ng bansa noong kasagsagan ng pandemiya.
No comments:
Post a Comment