Thursday, August 25, 2022

PROBLEMA SA BOCKLOG NG MGA LICENSE PLATES, MAY GINAGAWANG HAKBANG NA ANG LTO

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na may ginagawa na silang hakbang para matugunan ang problema sa backlog ng mga license plate lalo na sa mga motorsiklo.


Ipinagmamalaki namang ibinalita ni LTO Chief, Atty. Teofilo Guadiz III sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Transportation na updated na ngayon ang license plate para sa mga 4-wheel vehicle.


Ang tanging problema na kanilang sinu solusyunan ngayon ang backlog sa mga license plate ng mga motorsiklo.


Ayon kay Transportation House panel chief, Rep.Romeo Acop, na batay sa COA report ang backlog sa production ng license plate as of 2020 ay nasa 8.12 million.


Inamin naman ni Atty. Guavis na ang ahensiya ay nangangailangan ng 11 million license plate para lamang ito sa mga motorsiklo.


Dahil dito sinabi ng LTO chief na ito ang tinututukan ngayon ng ahensiya.


Aniya, nagsimula na silang mag-purchase na ng mga dagdag na materials para sa production ng mga license plate.


Nagpapatupad na rin ang LTO ng 24-hour shifts sa kanilang Quezon City plate stamping facility para maideliver ang long-overdue na 10-million plate number backlog na naiwan ng nagdaang dalawang administrasyon.


Inihayag din ni Guavis na dinagdagan din nila ang kanilang manpower para mapabilis ang kanilang trabaho.


Inihayag ni Guavis sa mga mambabatas na humiling ang kaniyang mga tauhan ng isang taon at kalahati para tugunan ang problema sa backlog ng mga license plate.

No comments:

Post a Comment