Monday, August 22, 2022

PONDO PARA SA KAGAWARAN NG AGRIKULTURA NA PINAMUMUNUAN NI PANGULONG BONGBONG MARCOS, AABOT SA KABUUANG 184.1 BILYONG PISO

Kabuuang 184.1 billion pesos ang panukalang pondo ng Marcos administration para sa Department of Agriculture sa taong 2023.


39.2% itong mas mataas mula sa kasalukuyang 2022 budget.


Sa budget message ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na ang dagdag pondo para sa kagawaran ng pagsasaka ay upang palakasin ang sektor ng agrikultura, siportahan ang locak farmers at fisherfolks at tiyakin ang food security ng bansa.


Bahagi ng pondo ang P12 billion para sa Buffer Stocking Program ng National Food Authority kung saan bibili ang 631.579 million metric tons ng palay mula sa  local farmers matapos itaas ang buffer stock capacity sa 12 araw mula sa dating 9 na araw.


P13.1 billion ang inilaan para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa buong bansa.


Para masiguro ang sapat na suplay ng bigas sa abot kayang halaga, itinaas ang pondo para sa rice production sa ilalim ng national rice program mula 15.8 billion na kasalukuyang pondo sa 30.5 billion pesos para sa 2023 kung saan 19.5 billion ay para sa fertilizer support.


Nakapaloob din sa budget ng DA ang 1 bilyong pisong fuel assistance program bilang tugon sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

No comments:

Post a Comment