Sunday, August 21, 2022

PAGKABALAM SA RELEASE NG PONDO AT MGA PAG-GAGAMITAN NG BUDGET, HAMON SA PAGPAPATUPAD NG 2023 PROPOSED NATIONAL BUDGET

Delay sa release ng pondo at mga paggagamitan ng budget, hamon sa implementasyon ng 2023 proposed national budget…


Mababalewala ang layunin ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon para sa economic recovery kung madedelay lang ang release ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno.


Ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto, sa ilalim ng 2023 national budget, dapat maitama ang “spending delays” at mga kontrobersiya sa procurement.


Binanggit ni Recto ang report ng COA sa mga kuwestiyunableng procurement at malalaking unobligated amounts ng ilang ahensiya ng gobyerno.


Bukod pa dito anya ang tinatawag na “parking” sa PS-DBM at PITC o Philippine International Trading Corporation kung saan nakatengga ang pondo ng ilang government agencies.


Katuwiran ni Recto, kahit agad na mapagtibay ng Kongreso ang pambansang budget, balewala ito kundi hindi gagastusin  ang pondo ng ilang govenment agencies para sa mga kaukulang programa ng pamahalaan para sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment