Tuesday, August 23, 2022

PAGKAKAROON PA NG MGA KASONG ISASAMPA LABAN SA MARCOS FAMILY NG PCGG, HINDI NA INAASAHAN

Hindi na inaasahan pa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG)  na magkakaroon ng bagong kasong isasampa laban sa pamilya Marcos kaugnay sa umano’y ill gotten wealth.


Sa pagharap ng PCGG sa house Committee on justice, natanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga kung makakasuhan pa ba ang mga mapapatunayang sangkot sa ill gotten wealth, gayong sa 36 na taon na ang lumipas nang itatag ito at posibleng nag-lapse na rin ang prescriptive period para sa pagsasampa ng reklamo


Paliwanag ni PCGG Chair John Agbayani, batay sa konstitusyon walang prescriptive period para sa pagsasampa ng kaso kaugnay sa umano’y nakaw na yaman.


Ngunit aniya, wala na silang nakikitang bagong kaso pa na ihahain laban sa mga marcos at closed associates nito.


Katunayan sa nakalipas aniya na 15 hanggang 20 taon ay walang lumabas na ebidensya upang suportahan na mayroon ngang ill-gotten wealth.


“Personally madam chairperson, we do not foresee any new cases to be filed against the Marcoses. The same for the last 15 to 20 years there are no evidence surfacing in order to prove the existence of ill—gotten wealth against marcos(es) and their cronies. At this time there are no evidence available already in order to prosecute if we intend or there may be some new persons to be involved in the ill gotten cases related to the Marcoses.” Ani Agbayani

No comments:

Post a Comment