Wednesday, August 24, 2022

HINIMOK ANG DOH AT IATF SA KAMARA NA BUMILI NA NG REFORMATTED NA MODERNA BOOSTER SHOTS LABAN SA OMICRON

Hinimok ni House Committee on Health Vice Chair Angelica Natasha Co ang DOH at IATF na mag-order na ng reformatted o bagong Moderna booster shot laban sa Omicron variants.


Ito’y kasunod ng ulat na nagsumite na ng application ang Moderna para sa emergency use authorization sa US FDA para sa kanilang Omicron booster vaccines.


Ayon kay Co bagamat epektibo pa rin ang kasalukuyang COVID-19 vaccine na nasa imbentaryo ng bansa, dapat ay habang maaga pa lang ay masiguro nang makakakuha ng suplay ang Pilipinas ng reformulated vaccine.


Umaasa rin ang BHW Party-list solon na aprubahan na ng ating Food and Drug Administration (FDA) ang provisional o full certificate of product registration para sa COVID vaccines ng Moderna at Pfizer.


Iminungkahi rin Co na imbes na palawigin ang state of calamity at maglabas ng bagong executive order kaugnay sa estado ng public health emergency upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang effectivity ng EUA ng COVID-19 vaccines hanggat hindi pa nakakapaglabas ng CPR ang FDA para dito.

No comments:

Post a Comment