Sinimulan ng imbestigahan ng House Committee on Good Governance and Public Accountability kasama ang House Committee on Agriculture and Food ang pagbusisi sa iligal na paglagda sa Sugar Order no.4 kung saan nakatakdang mag-import ng nasa 300,000 metric tons na asukal.
Sa nasabing pagdinig, inamin ni dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica ang isinagawang referendum para maipasa ang Sugar Order No. 4 ay hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na nakaupo rin bilang kalihim ng Deparment of Agriculture.
Sinabi ni Serafica, tinuloy nila ang referendum kahit walang tugon mula kay Marcos, ang chairman ng Sugar Board sa kanilang panukala na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ipinaliwanag din ni Serafica na sa pagsasagawa ng mga tungkulin nito, ang lupon ay maaaring magpasya sa mga bagay sa pamamagitan ng referendum.
Nabatid din sa pagdinig na nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga opisyal ng SRA hinggil sa Memorandum Circular No. 1, series of 2022, na nagdeklarang bakante ang ilang puwesto sa executive department sa pagtatapos ng Duterte administration.
Sa pagtatanong naman ni Committee on Good Governance and Public Accountability Chairperson Rep. Florida Robes kay dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian kung humiling siya ng pag-apruba ng Pangulo bago niya nilagdaan ang resolusyon at ang sagot ni Sebastian ay hindi.
Binigyang-diin ni Sebastian, dahil sa isang memorandum galing kay Executive Secretary Vic Rodriguez na inilabas noong July 15 na nagpahintulot sa kaniya na pumirma ng mga dokumento para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tungkulin ng huli bilang kalihim ng agrikultura.
Dahil dito, kinuwestiyon ng mga mambabatas si Sebastian kung bakit siya naging matapang sa pagpirma ng SO 4 para sa Marcos gayong wala siyang tahasang pag-apruba mula sa Chief Executive na umupo rin bilang chairman ng Sugar Regulatory Board.
Samantala, ibinunyag ni Guillermo Tejida III, deputy administrator for regulations ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na legal ang shipment o kargamento ng asukal mula Thailand na kinuha ng mga ahente ng Customs sa Subic port ng Zambales.
Sinabi ni Tejida ang 7,000 metric tons ng asukal na naharang ng Customs agents sa Subic port onboard sa barkong M/V Bangpakaew ay bahagi ng Sugar Order No. 3 sa pag-angkat ng 200,000 metric tons (MT) ng asukal na inaprubahan ng SRA Board noong Mayo 2022.
Sa isang memo sa Bureau of Customs, sinabi rin ni Tejida na lehitimo ang Thai shipment ng mga imported na asukal na nagkakahalaga ng P45.6 million.
No comments:
Post a Comment