Pormal nang natanggap ng Kamara ang 2023 National Expenditure Program.
Si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose "Mannix" Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at Vice Chair Stella Quimbo ang humarap kay DBM Sec. Amenah Pangandaman sa pagsusumit ng P5.268 trillion proposed 2023 National Expenditure Program.
Ang naturang pondo para sa susunod na taon ay 4.9% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2022 GAA.
Pinakamalaking bahagi ng pondong ito na katumbas ng 39.31% o kabuuang 2.071T ay ilalaan sa Social Services Sector.
Pumangalawa naman ang Economic Services Sector, na paglalaanan ng 1.528 trillion
807.2b ang naka-allocate para sa General Public Services Sector habang kabuuang 611billion o 11m59% ng budget ang para sa pambayad utang at ang nalalabing 250.7 billion ay para sa Defense sector.
Nananatili na ang DepEd, CHED, at SUCs sa mga ahensya ng pamahalaan na mayroong pinakamataas na pondo na nagkakahalaga ng 852.8 billion
Sinundan naman ito ng DPWH na mayroong 718.4B billion budget.
DOH at philhealth - na may 296.3 billion
DSWD na may 197 billion
DA at NIA - 184.1 billion na 39.2% na mas mataas kumapara sa 2022 budget
Makatatanggap naman ang DOTr ng 167.1 billion
Ang DPWH naman, mayroong proposed 718.4 billion budget
Sa Biernes, Aug 26 sisimulan ang budget briefing kung saan haharap ang dbcc
At inaasahang matalakay sa plenaryo sa September 19.
##
No comments:
Post a Comment