Tuesday, August 23, 2022

PAGBABALIK NG ₱3.3 BILYONG PONDO PARA SA UP SYSTE AT PGH, HINILING NI REP. RODRIGUEZ

Hiniling ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na maibalik ang nasa P3.3 billion pesos na budget cut sa panukalang pondo ng UP System at Philippine General Hospital.


Sa isang pahayag sinabi ni Rodriguez na dapat ay itinataas pa nga ang budgetary allocation sa mga state universities at colleges gaya ng UP at mga government hospitals tulad ng PGH na siyang pinipili ng mga kababayan nating kapos.


Paalala pa nito na ang PGH ang nagsilbing pangunahing ospital na tumugon sa COVID-19 patients.


Batay sa isinumiteng National Expenditure Program para sa 2023, 2.5 billion pesos na mas mababa ang pondo ng UP kumpara sa 2022 GAA habang 893 million naman ang tapyas sa panukalang pondo ng PGH.


Mungkahi ng kongresista sa DBM, isumite bilang erratum o errata ang pagbabalik sa orihinal na budget proposal ng UP at PGH.


Una naman nang sinabi ni House Appropriations Vice Chair Stella Quimbo na mababa man ngayon ang proposed budget ng PGH sa NEP ay magagawan pa ito ng paraan dahil sasalang pa ito sa budget hearings at deliberations.

No comments:

Post a Comment