Sunday, August 21, 2022

BAWAT SENTIMO SA ₱5.268 T 2023 NATIONAL BUDGET AY TITIYAKING MAILALALAAN SA MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN — SPEAKER ROMUALDEZ

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa pagbusisi nila sa P5.268 trillion proposed 2023 national budget, titiyakin nila na ang bawat sentimo rito ay mailalaan sa mga programa para sa pagbibigay proteksyon sa buhay at mga komunidad at pagpapasigla sa ekonomiya.


Diin ni Romualdez, kanilang sisikapin na ang pondo para sa susunod na taon ay tutugon sa pangangailangan ng mamamayan, at sa epekto ng krisis pangkalusugan.


Dagdag pa ni Romualez, kasama din sa isasaalalang alang nila ang layunin na makapagbigay ng trabaho ang 2023 budget at ‘makatulong sa food security.


Sabi ni Romualdez, agad na sisimulan ng Kamara ang budget deliberations sa committee level sa August 26 upang makamit ang target na matapos nila ang pagtalakay at deliberasyon  nito bago mag-October 1.

No comments:

Post a Comment