Friday, August 26, 2022

PULONG TUNGKOL SA USAPIN HINGGIL SA HIRING NG CONTRACT OF SERVICE AT JOB ORDERS SA GOBYERNO, NAKATAKDA NA SA PAGITAN NG COA AT DBM

Kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nakatakda silang makipag pulong sa Commission on Audit kaugnay sa pagpapatupad ng COA-DBM Joint Circular No. 2.


Kung matatandaan inilabas ang JC no. 2 noong 2020 na naglalatag ng rules at regulation patungkol sa hiring ng contract of service at job orders sa gobyerno


Sa interpellation ni ACT Teacher Party-list Rep. France Castro sa budget briefing ng DBCC, natanong nito kung ano ang mangyayari sa mga COS at Jos sa pamahalaan at kung sila ba ay maaapektuhan ng planong rightsizing.


Ayon kay Pangandaman, batay sa naging focus group discussion nila sa mga ahensya ng pamahalaan, humihingi ang mga ito ng dagdag pang tatlong taon para ma-absorb at ma-hire bilang regular na empleyado ang kanilang mga JOs at COs.


Nakasaad kasi sa naturang circular na kailangan ma regularize ang mga temporary employees pagsapit ng December 31, 2022.


Dahil dito, aaralin aniya nila ng COA ang apela na ito ng iba’t ibang government agencies at departments.


Batay sa tala ng DBM nasa 150,000 ang COs at JOs sa pamahalaan.

No comments:

Post a Comment